Botohan sa Torre de Manila ipinagpaliban ng SC
MANILA, Philippines - Pansamantalang pinigil ng Supreme Court en banc ang botohan sa Lungsod ng Baguio sa kaso ng kontrobersyal na Torre de Manila.
Ang kaso ay inihain ng Knights of Rizal nuong 2014 sa hangad na mapagiba ang proyekto na tinawag nilang photobomber dahil sinisira umano nito ang sightline ng Rizal Monument sa Luneta Park na itinuturing na mahalagang landmark o istruktura sa bansa.
Magugunita na itinigil ang pagtatapos ng konstruksyon ng Torre de Manila matapos magpalabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) noong 2015.
Sanhi ng hindi natuloy ang botohan sa kaso, muling isasalang sa deliberasyon ng SC en banc sa April 25.
Kabilang sa mga respondent sa kaso ang DMCI Homes na developer ng Torre de Manila, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, National Commission for Culture and the Arts, National Museum at National Historical Commission of the Philippines.
- Latest