^

PM Sports

Welcome back coach Rino Salazar

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Bakbakang umaatikabo sa pagitan ng Blackwater at Alaska Milk at ang first half ng Star-TNT match ang napanood ng balikbayang dating PBA champion coach na si Rino Salazar kasama ang kanyang maganda at butihing asawa na si Rose noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Tahimik na nag-cheer ang mag-asawa kay Blackwater coach Leo Isaac, dating PBA player na hinawakan ni Salazar sa Barangay Ginebra at Shell noong late 80s hanggang early 90s.

Minabuti ng Salazar couple na mag-stay lang sa kanilang upuan sa upper area ng lower box section kahit na inimbitahan ni PBA media bureau chief Willie Marcial na lumipat sa commissioner’s section. Nang malaman na nandoon at pinanood siya ng kanyang dating coach, agad hinanap ni Isaac si Salazar para sa maigsing batian at balitaan.

Hindi na kilala ni Salazar ang karamihan sa mga PBA players. Ang kanyang impresyon: “Malalakas at matutulin. Kaya lang may mga nagpipilit. Mas maganda, hanapin lang nila ang spot nila and wait for the play to come to them.”

Balikbayan mula sa Las Vegas, Nevada, inaasa-hang sumilip pa ng ibang PBA games ang mag-asawa bago matapos ang kanilang two-week vacation.

Ayon kay Salazar, naka-set din ang pagdating ni Francis Arnaiz at Rene Canent mula rin sa United States. At inaasahan nilang maka-reunion ang teammates sa Toyota at YCO.

Teammate ni Salazar si Canent sa YCO bago nakasama sina Arnaiz, Robert Jaworski at Ramon Fernandez sa Toyota.

Hindi big time player si Salazar ngunit umukit ng sariling pangalan sa coaching bilang panguna-hing assistant coach ni Jaworski sa Ginebra bago ni-recruit ng Shell na kanyang iginiya sa kampeonato sa 1992 PBA First Conference.

Bago sundan ang kanyang pamilya sa kanilang US migration, una siya sa mga naging head coach ng Barangay Ginebra sa post-Jaworski era.

Understudy niya si Allan Caidic bago tuluyan niyang binitawan ang Ginebra reign para makapiling nga ang kanyang asawa at tatlong anak sa America.

Later on, nasa America na ay may mga natatanggap pa rin siyang tawag para sa coaching job sa Pilipinas. Pero pinili niya ang pamilya over coaching career at wala siyang pagsisisi sa kanyang desisyon.

Isang taon na lang at magre-retire na siya sa kanyang trabaho sa Alaska Airlines. Matapos mamalagi ng matagal na panahon sa Juneau, Alaska, lumipat sila sa Las Vegas kung saan nila planong mamalagi sa kanilang retirement.

Pero siyempre hindi niya kakalimutang bisitahin ang ‘Pinas kung saan napakarami niyang kaibigan kasama na ang mga katropang PBA sportswriters.

Welcome back, coach!  POINT GUARD Nelson Beltra

vuukle comment

RINO SALAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with