^

PM Sports

Pacquiao-Horn fight ‘di pa sigurado

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kamakailan ay inihayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagkakaplantsa sa laban ni Sen. Manny Pacquiao kay Australian fighter Jeff Horn sa Abril.

Ngunit ayon kay Pacquiao (59-6-2, 38 KOs), hindi pa niya nakakausap si Arum tungkol sa kanyang pagsagupa kay Horn (16-0-1, 11 KOs) kaya hindi pa ito pinal.

“Iyon lang pong sinasabi kong kalaban ko pero wala pa pong final decision sa negotiation,” wika ni Pacquiao sa panayam ng ‘Fast Break’ radio program ng DZMM. “Hindi pa po kami nag-uusap ni Bob Arum. Hindi pa kami nag-uusap about my next opponent.”

Sinabi naman ni Arum na nakausap na niya ang grupo ng 28-anyos na si Horn para sa tatanggapin nitong premyo sa paghahamon sa 38-anyos na si Pacquiao.

“Horn and his ma-nagement have agreed on the purse and now we’re working on a site,” sabi ni Arum. “We’ll know the location of the fight in the next few days.”

Kung hindi magagawa ang laban sa Australia ay magiging opsyon ni Arum na pagdausan nito ay sa United Arab Emi-rates at United States.

Samantala, plano ni Pacquiao na magretiro sa 2018 at hindi ngayong taon taliwas sa naunang pahayag ni chief trainer Freddie Roach.

“Siguro mga tatlo, apat na laban puwede pa. Mga two years,” sabi ni Pacquiao, saglit na nagretiro noong Abril matapos talunin si Timothy Bradley, Jr. (33-2-1, 13 KOs) sa kanilang ikatlong pagtutuos.

Sa kanyang comeback fight noong Nobyembre 6 ay inagawan ni Pacquiao si Jessie Vargas (27-1-0, 10 KOs) ng hawak nitong World Boxing Organization welterweight crown.

Ang naturang korona ang idedepensa ng Filipino world eight-division champion laban kay Horn.

Nilinaw ni Pacquiao na hindi niya pababayaan ang kanyang tungkulin bilang Senador bagama’t tatlo hanggang apat na laban ang plano niyang gawin hanggang 2018.

“Unang-una naman hindi ko pinababayaan ang pagiging mambabatas ko. (RCadayona)

vuukle comment

BOB ARUM NG TOP RANK PROMOTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with