^

Para Malibang

Hindi Mapatawad si Tatay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ilang kembot na lang Christmas na. Pero tuwing Pasko ay may kirot sa puso dahil naaalala ko ang tatay ko na iniwan kami dahil ipinagpalit si nanay sa mas batang nobya nito. Ilan taon na ang lumipas, pero bigla akong nagulat dahil umenter muli sa buhay namin si tatay at nagbabalak na umuwi ng bahay. Kaloka ang nanay ko. Konting himas lang ay bigla na niyang napatawad si tatay. Hello, ilang Pasko ba kaming wala siya. Kung ako ay okey na patawarin siya pero kailangan pa ba niyang bumalik sa amin. Okey na kami ni nanay. Hindi naman katuwiran na patawarin siya nang ganun-ganun na lang. Tama ba ako? Chiz

Dear Chiz,

Nakalimutan mo ba ang diwa ng Kapaskuhan ay pagpapatawad? Maaaring hindi mo agad mapatawad ang tatay mo. Pero huwag mong ipagkait sa iyong nanay ang kasiyahan at pangarap niyang mabuong muli ang inyong pamilya. Puwedeng umuwi siya sa bahay at bigyan ng sapat na paggalang. Pero hindi ibig sabihin na patawarin siya agad. Darating din ang panahon na lalambot ang puso mo sa kanya. Kung hindi pa, ibigay mo pa rin ang tamang respeto bilang pagiging ama niya sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with