^

Para Malibang

Hindi tunay na BFF ng buhay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Sinabihan ako ng nagmamalasakit sa akin na kaopisina na ang mga itinuturing kong BFF ay hindi ko totoong mga kaibigan. Payo niya sa akin na layuan ang mga ito dahil talikuran daw akong nilalait, tsinitsismis, na talagang walang tiwala sa aking kakayahan dahil pareho kami ng trabaho sa isang call center. Mula noon ay hindi na ako sumasama sa kanila. Ayoko ko ng gulo at ayaw kong mapahamak ang nagmalasakit na staff  sa akin, pero pinalalabas ng BFF ko na ako ang masama. Napatunayan ko na magaling lang sila kapag may kailangan. Kaya binura ko na po sila sa listahan ng buhay ko. - Ghie

Dear Ghie,

Kung napatunayan mong hindi sila tunay na kaibigan, tama lang na huwag mo silang bigyan ng puwang sa iyong buhay. Maging civil lang, pero huwag na silang maging bahagi ng circle of friends mo kung toxic din ang inaakalang BFF. Hindi kailangan pumasok sa gulo. Ang mahalaga ay ituloy ang buhay at magpokus sa iyong trabaho. Marami ka pang makikitang friends na totoo at hindi ka sasaksakin ng talikuran.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with