^

Para Malibang

Gusto nang umuwi pagkatapos itanan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Aileen at nag-asawa sa edad na 18. Hindi na ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil tinanan ako ng nobyo ko. Dahil walang consent ay hindi rin kami nakasal. Nangupahan kami ng isang maliit na kuwarto pero hindi kami nakakabayad ng upa. Sabi ng mama ko, malaya akong makakabalik kung iiwanan ko ang aking asawa. Ito ang solusyon na naiisip ko. Pero alam kong masasaktan ang asawa ko. Paano ko iba ito sasabihin sa kanya?

Dear Aileen,

Kausapin mo ang iyong asawa. Ipaintindi mo sa kanya na hindi kayo maaaring mabuhay ng puro pag-ibig lang. Mauuwi rin kayo sa away at hiwalayan dahil sa hirap na dinaranas ninyo. Umuwi muna kayo sa inyong mga magulang at magtapos ng pag-aaral para sa inyong kinabukasan. Kung nagmamahalan kayo talaga, isipin ninyo ang magiging kinabukasan ng inyong magiging mga anak. Tiyak na hindi ninyo papayagang madamay sila sa hirap na dinaranas ninyo. Kapag nagtapos na kayo ng pag-aaral at may matatag na trabaho, dun kayo magbalikan.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with