^

Para Malibang

Namamangka sa tatlong ilog

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Silly, 15 years old. Tatlo po ang nobyo ko. Pareho ko po silang mahal at ayaw kong mawala sila sa akin. Kaya lang tuwing nakikita ko sila nagi-guilty ako na baka malaman nila ang totoo. Ayoko po silang masaktan. Ano pong gagawin ko?

Dear Silly,

Aba hindi lang sa dalawang ilog  ka mamangka kundi sa tatlong ilog pa. Kahit sabihin pang ang haba ng iyong hair, pero sakit ng ulo ang ginagawa mo. Kilalanin mo muna ang kanilang mga ugali at katangian saka mo piliin kung sino ang mas matimbang sa iyong puso. Pero dahil sa bata ka pa, mas mabuti kung pag-aaral muna ang iyong problemahin sa halip na guluhin ang isip sa mga lalaki. Hindi mo kailangang magmadali sa pag-ibig. Mahaba-habang taon pa ang iyong bubunuin sa pag-aaral kaya ito ang mas dapat mong paglaanan ng iyong panahon.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with