In Love sa Professor
Dear Vanezza,
Ako po si Jay, 19, engineering student. Kakaiba po ang problema ko. Sa lahat ng tao bakit parang na-in love ako sa professor ko. Nadi-distract ako sa ganda niya, sexy, at enjoy ako sa pagtuturo niya na smart at may sense of humor. Normal po bang ma-in-love sa professor? Paano ko kaya mapipigilan ang feelings ko kahit alam kong bawal?
Dear Jay,
Normal na magkagusto sa isang tao, kahit pa sa professor mo. Kung crush lang walang problema pero kapag pinormahan o niligawan mo na. Dun magkakaproblema. Lalo na kung naging maging magkasintahan pa kayo. Bawal ma-in love ang professor at estudyante dahil labag ito sa kagandahang asal sa lahat ng university o eskwelahan. Kung talagang type mo siya maghihintay kang matapos mo muna ang kurso mo. Para walang problema.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest