^

Para Malibang

Age Doesn’t Matter Nga Ba Pagdating sa Pag-ibig?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

Ako oo, naniniwala rin ako na love knows no boundaries. Walang kasarian, walang estado sa buhay, walang edad na kinikilala. ‘Yun ang totoong pag-ibig. Kasi tanggap mo ‘yung tao kung sino at ano pa siya. At ‘yung kanyang ugali at personality ang iyong minahal sa kanya. - Chito, Davao

Ewan ko, parang nandidiri ako sa mga nakikita kong magdyowa na malaki ang age gap eh. Parang naggagamitan lang sila. At saka hindi ko makita ang sarili kong papatol sa mas bata o mas matanda sa akin ng ganun kalagi ang gap. Kasi siyempre ibang generation na ang ginagalawan nila sa ginagalawan at kinalakhan ko. -Arthur, Bacolod

Oo naman no! Ako puro mas matanda sa akin ng mga sampung taon pataas ang nagiging dyowa ko. Mas gusto ko kasi ng mature na babae eh. Hindi ‘yung pabebe at puro kakikayan lang ang alam. Mas gusto ko ‘yung malakas at ka­yang ipaglaban ang sarili niya, marami nang natutunan sa buhay. -Tristan, Cebu

Hindi ako naniniwala sa mga relasyong May-December. Kasi una sa lahat ibang level ‘yung pag-iisip nila. Kaya imposibleng magkainlaban ang ganun. Hindi ako naniniwala, may isa sa magdyowa na ‘yun ang manggagamit lang o manghuhuthot lang. - Mark, Pasig

Gusto ko kasi parang nanay. Gusto ko lagi akong inaalagaan kaya mas matanda ang gusto kong girlfriend. Naa-attract naman ako sa mga kasing edad ko pero hindi ko pa rin maisip ang sarili kong maki­pagrelasyon sa mas bata o sing-edad ko. Mas gusto ko ‘yung marami nang alam sa buhay. - Dustin, Parañaque

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with