^

Para Malibang

Kalayaan sa Kalupitan ng Asawa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Twelve years na po akong annulled pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang anak kong babae na may chance na magkabalikan pa kami ng kanyang tatay. Hindi ko kasi makita ang sarili ko na makasama siya muli na ubod ng tamad, adik, umabangero, lasenggo, sugarol, at kung anu-ano pa. Nakalaya na ako bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko. Siyempre hindi ko masabi ang lahat ng yan dahil ayaw ko naman siraan sa anak ko ang kanyang tatay. Wala akong lovelife pero kuntento na ko kaysa naman makasama muli ang malupit niyang tatay. Tanong ko lang, tama ba ako? – Jhoi

Dear Jhoi,

Walang makakapilit sa iyong desisyon na balikan muli ang iyong dating asawa, kahit pa ang anak mo. Tama rin na hindi mo dapat sinisiraan ang kanyang ama sa harap ng iyong anak. Dahil iba ang away ninyong dalawang dating mag-asawa na puwedeng hindi maintindihan ng mga bata. Ipaliwanag mo sa iyong anak na babae na masaya ka na kahit walang kasama sa buhay. Marahil ay nami-miss lang niya na buo ang pamilya at naaawa sa kanyang tatay kaya hindi mo rin masisi na gustuhin niya na magkabalikan kayo kahit matagal na kayong hiwalay.  Pero ikaw pa rin  ang magsasabi sa iyong anak na hindi mo na kayang balikan ang dati mong asawa.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with