^

Para Malibang

Hindi kuntento sa isang BF

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Leny, 19. Sumulat po ako dahil hindi ko maintindihan ang aking sarili. Madalas po akong magka-crush at hindi lang isa kundi tatlo. Gumagawa ako ng paraan upang ligawan ako ng mga crush ko. Gusto ko ligawan nila ako.  Lahat sila sinasagot ko, bigla pong nawawala ang feelings ko para sa kanila. Tapos agad kong bini-break. Tapos hanap na naman ako, pero hindi ako kuntento sa isa. Gusto ko marami. Hindi ko naman gustong paglaruan ang mga lalaki. Bakit kaya ako ganito? Maalis pa ba ang ganitong ugali ko sa mga lalaki?

Dear Leny,

Bata ka pa kaya mabilis magbago ang nararamdaman mo kahit tatlu-tatlo pa. Tandaan mo na ang crush ay hindi pag-ibig. Ito’y isang paghanga lang na maaaring magbago. Pero talagang nagsisimula sa attraction at saka ma-develop ang love. Para hindi ka makasakit pa ng damdamin ng iba, makabubuti kung itigil mo na ang pakikipag-boyfriend ng sabay-sabay. Sa tamang panahon ay darating din sa iyong buhay ang true love. Bata ka pa at mas mainam kung itutuon ang atensiyon sa pag-aaral at mga makabuluhang bagay na magpapalago ng iyong pagkatao.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with