^

Para Malibang

Nabuntis ng ka-textmate

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po akong kasambahay, 25 years old at dalaga pa. May naging ka-textmate ako. Isang linggo kaming nag-text bago kami nag-eyeball. Nagkita kami ng personal sa isang mall at kumain sa fastfood. Pagkatapos ay namasyal kami sa Luneta. Dito siya nagtapat sa akin ng pag-ibig. Nag-meet kami uli at sinagot ko na siya. Tuwing day off ko kapag Sabado ay nagkikita kami. Hanggang sa dinala niya ako sa motel. Hindi na ako nakatanggi sa kanya. Ibinigay ko ang aking sarili. Mga tatlong beses nangyari ito hanggang sa mabuntis ako. Iyan po ang problema ko ngayon. Nang malaman ito ng bf ko, hindi na siya nagpakita at ayaw nang sumagot sa text ko. Malapit nang isang buwan ang tiyan ko. Natatakot ako at baka palayasin ako ng amo ko kapag nalaman ang kalagayan ko. Ano ang gagawin ko? - Jeni

Dear Jeni,

Magtapat ka sa iyong amo. Tao ka lang naman na nagkasala at marahil ay mauunawaan ka niya. Wala kang ibang magagawa dahil nagkasala ka at aanihin mo ngayon ang bunga ng iyong pagkakamali. Huwag mo na ring asahan na magpapakita pa sa’yo ang ka-text mo dahil halatang tinatakbuhan niya ang pananagutan niya sa’yo. Sana’y nagsilbing aral sa iyo ang karanasan mo. Huwag basta-basta ipagkakatiwala ang sarili kung kani-kanino.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

AKO

ANG

ANO

DEAR JENI

DEAR VANEZZA

DITO

HANGGANG

HUWAG

IBINIGAY

ISA

ISANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with