^

Para Malibang

Hindi ligawin

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Queenie, 30 at wala pang boyfriend. Sa edad kong ito natatakot akong tumandang dalaga. Maganda naman ako pero may paka-konserbatibo. Ang problema ko ay wala akong manliligaw. Sa tanang buhay ko, minsan lang akong nagka-bf na tumagal lang ng 3 mos. Hindi ko alam kung anong inaayawan sa akin ng mga lalaki. Pangarap ko rin po sanang magkapamilya balang araw pero paano ito mangyayari kung wala man lang nag-a-attempt na manligaw sa akin? Sabi ng mga kaibigan ko, masyado raw akong hindi palakibo at may pagkasuplada. May nagsasabi naman na mukha raw akong tomboy. Pero mahirap baguhin ang ugali, ‘di po ba? Ano kaya ang dapat kong gawin?

Dear Queenie,

Totoong mahirap magbago pero posible kung gugustuhin mo. Tama ang mga kaibigan mo. Kung suplada o may pagka-tomboy ang dating mo sa lalaki, malamang matakot silang manligaw sa’yo. Konsultahin mo pa ang mga close friends mo at hingin ang opinion nila tungkol sa personalidad mo para maitama mo. Kasi hindi natin nakikita ang kapintasan ng ating sarili pero malalaman natin ito sa prangkang opinion ng iba. Sikapin mong magbago sa tulong ng mga kaibigan mo. Kung gusto mong magkapamilya balang araw walang bagay na hindi mo magagawa para matupad ang pangarap na ito.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKONG

ANO

DEAR QUEENIE

DEAR VANEZZA

KASI

KONSULTAHIN

MAGANDA

PANGARAP

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with