^

Para Malibang

Huli na todo deny pa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ang problema ko po ay ang bf ko. Tatlong taon po kaming nagsama at kapwa mahal namin ang isa’t isa, pero nauwi sa wala ang aming pagmamahalan dahil nahuli ko siyang nakikipaghalikan sa isang babae. Sabi niya ay pinsan daw niya ‘yung girl. Hindi ako naniwala. Umuwi ako ng probinsiya at apat na taon kaming hindi nagkita. Pero hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Ano po ang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang puntahan sa kanyang pinagtatrabahuhan? - Bes

Dear Bes,

Kahit nahuli mo na siya sa akto ay sinabi pa rin niyang pinsan niya ang kanyang kahalikan. Hindi lang siya taksil, sinungaling pa. Kung mahal ka niya, dapat sana’y umamin siya sa pagkakamali niya at humingi ng tawad sa iyo. Ngayong nakilala mo ang tunay niyang kulay, ano man ang namagitan sa inyo ay ibaon mo na sa limot. Alam kong marami pang lalaki riyan na higit na karapat-dapat sa’yo.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ALAM

ANO

DAPAT

DEAR BES

DEAR VANEZZA

KAHIT

NGAYONG

PERO

SABI

SUMASAIYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with