^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (66)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAUDLOT, hindi natuloy ang unang pagtatalik sa kama nina Oscar at Chona. Umuuga kasi nang malakas ang yate, pinapasok na ng tubig ang loob—nagbabanta ng paglubog sa marina.

Nataranta ang mga bagong kasal, ang mga hubad na kabuuan ay tinapian lang ng tuwalya.

Wala silang mga underwear dahil sa pagmamadaling iligtas ang mga sarili; ayaw mamatay sa pagkalunod.

HINDI nila alam ang nangyayari sa ilalim ng kanilang yate; ang sanhi ng mabilis na pagpasok doon ng maraming tubig.

Sino pa nga ba kundi si Tatiana. Ang babaing kinakain ang lahat ay inuubos na ang ilalim ng yate—desididong walang ilabi sa lahat ng naroon.

“SAKLOLOO!”  Sumisigaw si Chona, kasunod si Oscar.

 Nakita na nila si Tatiana, nakalusot na ito sa makapal na flooring ng yate, nagbabantang sila na ang kainin.

Sa pagmamadali ni Chona ay nadapa ito sa hagdang paakyat sa deck ng yate; ang kasunod na si Oscar ay nadapa rin, parang domino.

KABLAG. BALAGBAGG.

Gumulong sa floor ang mag-asawa, parehong naalisan ng mga tapi, kita ang lahat-lahat ng pribadong bahagi.

Si Tatiana ay nakaahon na, nasa harapan na ng mag-asawang hindi pa nakababangon.

Nag-uunahan ang ragasa ng tubig at ang kamatayang banta ng babaing kinakain ang anumang bagay.

Hindi kay Chona, sa nakatihayang mister nito nakatutok ang masamang tingin ni Tatiana.

Nahulaan ni Chona ang nais kainin agad ni Tatiana. “Oscar, takpan mo ang ano mo, dali!”

Pero mabilis nang nakagat ni Tatiana ang ‘ano’ ni Oscar.  Tsomp. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

CHONA

GUMULONG

NAHULAAN

NAKITA

NATARANTA

PERO

SI TATIANA

SINO

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with