^

Para Malibang

‘Cousin-tahan’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin nyo na lang po akong Dana, 17 years old. Wala po akong boyfriend kasi istrikto ang mga magulang ko. Pero mayroon akong itinatanging pagmamahal sa isa kong “pinsan”. Pero ang turing ko sa kanya ay hindi pinsan kasi ampon siya, kaya inisip ko puwede maging kami. Makaraan ang 3 months ay naging kami rin. Tinatago namin ang aming relasyon sa aming mga magulang ng 1 taon na. Inaaya na niya akong magtanan. Ano po ba ang gagawin ko? Bigyan n’yo po ako ng payo.

Dear Dana,

Wala namang problema kung magkagustuhan kayo dahil hindi naman kayo magkadugo, maliban na lang kung tututol ang iyong mga magulang o ang iyong mga tito at tita. Ang hindi lang nila marahil magugustuhan ay ang gagawin ninyong pagtatanan. Bata pa kayo para isipin ang pag-aasawa. Ang dapat ninyong pagtuunan ay ang inyong pag-aaral. Sa tamang panahon kung hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ninyo sa isa’t isa ay ipagtapat ninyo sa inyong magulang ang tungkol sa inyong relasyon. Hingin mo ang payo nila at tiyak na mauunawaan ka nila. Anumang feelings meron kayo sa bawat isa ay ireserba ninyo hanggang makatapos kayo ng pag-aaral at magkaroon ng sariling mga trabaho.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANO

ANUMANG

BATA

BIGYAN

DEAR DANA

DEAR VANEZZA

HINGIN

INAAYA

PERO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with