^

Para Malibang

Sobrang hilig sa babae ng mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong ginang na namomroblema sa aking asawa. Masyado siyang mahilig sa babae at kahit bayaran ay pumapatol siya. Nahawahan na niya ako ng sakit sa babae. Nag-away kami pero nang humingi siya ng tawad at nangakong magbabago ay pinagbigyan ko siya. Dalawa sa naging katulong namin nakarelasyon niya. Yung pangatlo ay hindi pumatol at nagsumbong sa akin na gusto siyang “tikman” ng asawa ko. Nag-away uli kami at nang humingi siya ng tawad ay pinatawad ko uli. May kabit siya ngayon at balita ko inoobliga siyang mag-intrega ng sahod gayong kakarampot lang ang kita nya kulang pa sa amin ng mga anak niya. Sagad na sagad na ako talaga sa kanya. Ano ang gagawin ko? Dapat ko na ba siyang hiwalayan? - Menchu.

Dear Menchu,

 Mabuti ang magpatawad, ngunit minsan, kailangan mo rin turuan ng leksiyon ang iyong mister. Hindi maaaring paulit-ulit na lang niyang gagawin ang ganyang uri ng kasalanan sa inyong pagsasama. Kung kaya mo siyang patawarin muli, mabuti, ngunit mas mabu­ting bigyan mo rin siya ng ultimatum na kung ga­gawin pang muli ang kanyang pagtataksil ay makikipaghiwalay ka na ng tuluyan sa kanya. Maging matatag para sa inyong mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DALAWA

DAPAT

DEAR MENCHU

DEAR VANEZZA

ISA

MASYADO

MENCHU

NAHAWAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with