^

Pang Movies

Lumuwa ang isa at lubog ang kabila, mata ni Sunshine kailangang operahan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakuwentuhan namin sa thanksgiving presscon ng Wildflower ang aktres na si Sunshine Cruz at nabuksan sa usapan ang inilabas niya minsang sama ng loob sa isang kaibigang nangutang at hindi nakabayad sa tamang panahon. Inamin ni Sunshine na ito pa naman ang panahon na medyo kailangan din niya ng pera.

“Kagaya kahapon lang, iyong van na sasakyan ng mga anak ko kamuntik pang mabangga dahil nawalan na ng preno. Ipinagawa na namin iyon nang ilang ulit pero sinabi na sa akin na kahit na ano pa ang gawin doon hindi na puwede. Luma na kasi iyong van talaga. Noong ibigay naman ­iyan para gamitin ng mga anak ko talagang luma na.

“May isang van na gusto ko sanang bilhin, para iyon mismong ginagamit ko, iyon ang ipagagamit ko na sa mga bata. Eh alam naman ninyo, single parent ako at ang nangyayari lahat ng kailangan ng mga anak ko, kailangan ako ang magpasan. Wala naman akong inaasahang makakatulong. Iyon nga iyong pera na sana ipambibili ko rin ng sasakyan, kaso ganoon nga, dahil kaibigan ko, noong lumapit hindi ko mahindian. Kaso hindi naman tumupad sa usapan.

“Pero nagkausap na kami, binabayaran naman unti-unti and hopefully maibalik na rin ang pera ko,” sabi ni Sunshine.

Naghahanda rin daw siya ng pera para sa isang eye operation.

“Hindi ko na lang muna ide-detail kung papaano nangyari, pero there was an incident in the past na tinamaan ang mata ko at nagkaroon ng trauma. Iyong isang mata ko medyo lumabas, iyong kabila naman pumasok, kaya hindi pantay ang mata ko ngayon. Itinatago sa makeup, sa pagpili ng angles, pero hindi naman puwedeng ganoon na lang, at saka sinabi sa akin ng doctor na kailangang mai-correct na rin talaga, eh kailangan pa ng iba pang tests, tapos kailangan daw sa US ope­ra­han dahil sa equipment na kaila­ngan. Mala­king gastos iyan, at ipinagda­sal ko na sana naman magka-pera ako para riyan. Sinagot naman ng Diyos agad ang dasal ko, nagkaroon ako ng panibagong endorsement.

“Iyon din ang dahilan kung bakit nagsabi ako na hindi muna ako tatanggap ng projects, kasi nga plano ko nang magpaopera. Dapat nga ngayon na eh, pagkatapos ng Wildflower, kaso nasabay naman sa graduation ng anak ko, ayoko namang ma-miss iyon. Mas importante sa akin ang anak ko kaysa riyan sa pagpapaopera ko. Kaya ang plano ko pagkatapos noon at saka ako aalis. Dadalawin ko rin ang kapatid ko na nasa Paris, tapos diretso na ako sa US para magpaopera,” kuwento pa ni Sunshine.

Kinukulit siyempre si Sunshine tungkol sa kanyang love life.

“Wala akong masasabi riyan sa ngayon except happy ako sa buhay ko. Marami pang mga bagay na kailangan kong asikasuhin bago ko maharap iyan nang tuluyan. In progress pa rin naman iyong hinihingi kong annulment ng kasal ko. Kung maiipit pa iyon, hindi rin ako makakapag-asawang muli so ano pa ang gagawin ko? Wala naman tayong divorce sa Pilipinas.

“Basta ngayon ang masasabi ko lang happy ako. Palagay ko naman happy rin ang mga tao sa akin. Nakalipas na iyong mga panahon na I am living miserably. Na-survive ko iyon no matter how hard, kaya ngayon pa ba ako susuko eh ilang panahon na lang din naman iyan,” ang patapos na sabi ni Shine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with