^

Pang Movies

Sharon emosyonal sa debut ni Frankie

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sharon emosyonal sa debut ni Frankie

Frankie

Hindi napigilang mag-emote ni Megastar Sharon Cuneta sa social media dahil mag-turn 18 na pala ngayong taon ang kanyang panganay kay Senator Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan.

Nag-turn 17 si Frankie noong nakaraang December 16, 2017 at ngayon ay binibilang na ni Shawie ang buwan bago maging isang debutante na ito.

“My Frankie at 17. Oh, no... 11 months to go and she’ll be 18!” post pa ni Shawie sa Instagram.

Si Frankie ang ikalawang anak ni Sharon na magde-debut.

Naunang nag-debut ang anak niya kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion noong 2003 na may mermaid/under the sea inspired debut party.

Naalala naman namin ang bonggang debut party ni Sharon noong January 1984 dahil well-publicized ito mula sa kanyang isusuot na gown, na gawa ni Noli Hans, at ang venue ng kanyang party ay sa Manila Hotel.

Ilang buwan after her debut ay nabalitang buntis na si Sharon at ikinasal sila ni Gabby noong September 1984.

Queenie nag-alboroto

Sumali na rin ang panganay na anak ni Robin Padilla na si Queenie Padilla sa pagtanggol sa kanya.

Bihirang magparamdam si Queenie sa social media dahil tahimik ang buhay nito ngayon. Pero pagdating sa pamilya ay hindi puwedeng mananahimik lang siya.

Ipinagtanggol ni Queenie mula sa bashers ang kanyang ama dahil sa pag-akusa na racist ito.

Ang hindi pa raw maganda ay pati ang buong Padilla family ay inatake ng bashers, lalo na ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez at ang anak nilang si Maria Isabella Padilla.

Heto ang naging matapang na post ni Queenie para sa bashers:

“’Di mo kilala ang tatay ko!!! Kung alam mo lang! Wish ni Papa na magaling kami mag-Tagalog! Nag-hire pa nga siya ng Tagalog teacher sa amin dati para matuto kami!!! I-bash niyo ako, ‘wag lang ang tatay ko!!! Sobra na kayong mga bashers!!! Sobra kayong assuming!!! Pati pa bunsong kapatid ko ay dinamay niyo pa!!!”

May pahabol na caption pa si Queenie na “PISS OFF HATERS”.

Ed Sheeran titigil na sa pagkanta pagkatapos makasal

Inamin ng singer na si Ed Sheeran na kapag nakapagsimula na siya sa kanyang pamilya, magla-lie low muna ito sa kanyang music career.

Kelan lang ay na-engaged si Ed sa kanyang longtime girlfriend na si Cherry Seaborn. Hindi na raw maghihintay ang dalawa na makasal sila kaagad.

Ipinangako ni Ed na once na magkaroon na siya ng pamilya, he will “go to zero” sa kanyang career at magko-concentrate sa kanyang magiging malaking pamilya.

“My ambition is going to go to zero as soon as I have kids. I am going to be like, ‘I do not really care anymore as I have another life to take care of’.

“It is totally understandable because you have children and your ambition shifts to be like, ‘I want to be a good father’,” diin pa niya.

High school sweethearts sina Ed at Cherry. Pareho ang pinasukan nilang high school na Thomas Mills High School in Framlingham, Suffolk.

Noong maging sila in 2016, nagpa-transfer pa si Cherry ng kanyang trabaho to London para makasama na niya sa Ed. Nagbakasyon ng isang taon si Ed para makapag-travel silang dalawa.

“I’m actually the happiest I’ve been and it’s because I had a year to spend with someone. I’ve always started relationships then gone off on tour.

“I spent every day for a year with this certain person, we kind of have a strong relationship now which is good.

“I’m really secure now, we live together and we have cats, and I think when you have cats that’s kind of it,” pagtatapos pa ni Ed Sheeran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with