^

Pang Movies

?Diet pa more? katawan ni Claudine ‘di pa raw pang-bida ang hitsura!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagulat kami hindi lamang sa mga revelation na binitiwan ni Claudine Barretto kung hindi maging sa hitsura niya nang ma­kita namin siya sa telebis­yon. Ang nasa isip kasi namin ay kung ano ang hitsura ni Claudine na madalas naming makita noong araw. Nag-mature na nga siya nang husto, and sad to say, ewan nga ba kung sa hitsura niyang iyon ay maaari pa siyang leading lady. Tumaba si Claudine, nag-mature nang husto at napakalayo na sa hitsura niya noong araw. Sabi nga ng kasama naming nanonood, “akala ko si Inday Barretto”, iyong mother nila.

Kung iisipin mo na siya ang bunsong kapatid ni Gretchen Barretto, aba, ang layo.

Ngayon inaamin na rin ni Claudine na may panahong nagkaroon siya ng psychological problem. Kaya nga humarap siya sa television na kasama pa ang kanyang psychologist. Iyong psychologist ang nagsa­bing nagkaroon nga ng kaun­ting problema pero naka-recover na si Claudine. That explains iyong kanyang naging aksiyon noong araw na para siya talagang napapraning.

Mas matindi pa sa kanyang revelations ang sinabi niyang nagsimula iyan nang mag-split sila ng dati niyang boyfriend na si Rico Yan, na nasundan pa ng kamata­yan nito. Nagkaroon diumano siya ng guilt, dahil feeling niya ay may pagkukulang siya sa dati niyang BF. Siguro nga masasabing dahil sa mga bagay na iyan, talagang magkakaroon sila ng problema sa pagsasama nila ni Raymart Santiago. Isipin mo nagsasama sila ni Raymart, all the while pala ang nasa isip niya ay si Rico. Sinasabi nga niyang hanggang ngayon ay si Rico pa rin ang nasa isip niya, in fact itinatago pa niya ang isa sa mga sulat noon.

Matapos iyong revelations niyang iyon na ginawa niya in public, on national television, mas naintindihan namin ang sitwasyon ni Claudine. Pero naniniwala kami na hindi mabibigla ang lahat. Siguro nga makakabalik pa si Claudine sa kanyang career, pero hindi dapat madaliin. Alam naman ninyo ang buhay ng artista, ginagamit nila at pinaglalaruan ang kanilang emotions dahil sa kanilang gina­gampanang roles, at mahirap iyon para sa isang nasa sitwasyong kagaya niya.

Ex-dyowa ni JC ipinagdarasal na lang ang ‘sakit sa puso’

Isang kanta ang inilagay ng dating girlfriend ni JC Santos sa kanyang social media post. Iyon ay isang kanta na usually ginagamit kung offertory sa misa, iyong Panala­nging Pag­bukas Palad. Hango iyon sa isang panalanging isinulat ni San Ignacio de Loyola.            

Sabi ni Teetin, nakakadama siya ng consolation sa tuwing maririnig ang awit, lalo na noong maintindihan niya ang lyrics noon. Malaking tulong daw iyon para maka-get over siya sa nangyari sa kanyang buhay.

Iyon namang problema kasi, lumabas iyan noong aminin na ni JC na malabo na ang kanilang relasyon noong press conference ng pelikula niyang Mr. & Mrs. Cruz. Humaba na nga ang issue hanggang sa mag-post din si Teetin ng nakakagulat na statements, na inalis din naman niya later on.

Buti naman nakatagpo na siya ng comfort sa isang panalangin.

Direktor, football player ang bagong papa

Isang football player pala naman ang madalas na ka-date ngayon ni direk. Mukhang nagsawa na siya sa mga male starlet at character actors na noon ay siyang nali-link sa kanya. Mukhang nagsawa na rin siya sa mga male model. Pero bago pa lang naman daw sila ng football player. Ewan kung magtatagal talaga sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with