^

Pang Movies

Angelica gusto na lang bumili ng lalaki!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Inilabas muli ni Angelica Panganiban ang video ni Glaiza de Castro nu’ng nakaraang biyahe nila sa Nepal at Bhutan. Sanggang-dikit hanggang ngayon ang dalawa kaya nabibiro sila minsan na silang dalawa na lang ang magkaroon ng relas­yon dahil kapwa sila loveless.

Of course, babaeng-babae sina Angelica at Glaiza at super magkasundo sila. Kaya bilang mensahe sa kaarawan ni Glaiza, sa Instagram ibinahagi ni Angge ang pagbati sa kaibigan.

“Wala ka yata talagang idea na napakasaya mo lang talagang kasama. Magmula sa mga skills mo sa pag imbento ng mga bagay-bagay, sa paggawa ng mga salita, sa paggawa ng musika.

“Kahit sa pagiging dancer pero ang pinakamalupet, yung mga OOTD mo. Pilit mong sinasali ang sarili mo sa mga millennials.

“Amigah, pinagsisigawan ko kung gaano ako kapalad na kaibigan kita. Mapalad akong natatawagan kita kapag meron akong naisip na joke, kapag naiiyak ako, kapag naiinip ako. Hindi ka napapagod makinig. Ipagpatuloy mo ang kabutihan mo.

“At dahil diyan...tara na kay mr. right. Kung wala sa Nepal o sa Bhutan, try kaya natin sa stores?

“Maligayang kaarawan sayo bata!!! Always remember your wallet. And keep the change (Mapagkakamalan na naman tayong mga adik sa pinagsasabi ko!). Mahal kita amigah @glaizaredux fly high burd!!!” caption ni Angelica.

Kim binalikan ang pinagkakautangan!

Nagpamalas ng puwersa ang mga Cebuanos kay Kim Chiu nang bumisita siyang muli sa kanyang hometown nu’ng selebrasyon ng bisperas ng pista ng Santo Niño nu’ng Sabado.

Umaapaw talaga ang tao sa mall na pinagtanghalan ni Kim. Ipinakita niya sa kanyang Instagram account ang picture ng crowd na dumagsa para makita siya.

“Happy to be in my hometown!!! DAGHANG SALAMAT CEBU!!! Salamat kayo sa init ng pagdawat! Viva Sr. Sto. Niño!!! Pit Senyor!!!” caption ni Kim.

At least, kahit sikat na sikat na eh, marunong pa ring tumanaw sa kanyang pinagmulan si Kim, huh!

Piolo at Maris nag-face to face!

Face to face ang encounter ni Piolo Pascual kay Maris Racal sa ginanap na fun run ng produktong ineendorso ni Papa P.

Eh, ang bongga pa roon, kasama ni Maris sa fun run na ‘yon ang rumored BF niyang si Inigo Pascual, anak ni Piolo.

Super proud naman si Inigo sa pagsama sa sports event na dinaluhan nilang mag-ama. Biro nga ni Inigo sa picture nila ni Maris, next year daw ay try niyang sumali sa 10K run.

“Proud of you! Sabi mo kanina ‘di ka na tumakbo. Happy that you did! Keep inspiring people! @mariesteller.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with