^

Pang Movies

Aktor dinikitan ng malas nang magpagalaw ng ilong

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi makapaniwala ang drama actress na ito dahil pinaiba ng kanyang ex-lover ang ilong nito.

Gulat na gulat si drama actress nang ikuwento sa kanya ang napansin ng maraming friends niya na nagpa-nosejob ang ex-BF niyang actor. Hindi muna ito naniwala hanggang hindi niya nakikita ang photo nito.

Noong ipakita sa kanya ng friend niya ang post sa social media ng actor, feeling ni drama actress ay photoshop lang ang pagkakatangos ng ilong nito.

“Baka naman dinaan lang sa photoshop. Marami nang apps na puwedeng tumangos ang ilong mo, ‘di ba? Kung ang abs nga nailalagay na lang through an app, bakit hindi ang ilong?,” in-denial na sey pa ng drama actress.

Pero hindi doon tumigil ang pag-imbestiga ng friends ni drama actress. Naghanap pa sila ng present video ng aktor ngayon para mapatunayan na hindi photoshop ang pagtangos ng ilong nito.

Noong mapanood ito ng drama actress, nagtaka ito kung bakit kailangan pa niya itong gawin?

“Okey naman ang nose niya noong kami pa, eh. Wala naman ang reklamo sa ilong niya. Tsaka, wala rin naman siyang emote tungkol sa ilong niya noon.

“Baka na-pressure lang siya sa mga taong nakapaligid sa kanya ngayon.

“Kung makakatulong ba sa career niya ang pagbago ng nose niya, eh di good luck, ‘di ba?

“Sana magkaroon ng magic ang lahat dahil bago na ang ilong niya,” tawa pa ni drama actress.

‘Yun nga lang, matamlay pa rin ang career ng ex niyang aktor at naiipit pa ito sa isang hindi magandang relasyon ngayon.

Malas kaya ang pagpapatangos nito ng ilong?

Klea mina-master ang pagsasayaw sa apoy

Mas nag-concentrate sa modeling ang StarStruck 6 winner na si Klea Pineda kaya hindi siya masyadong nagkaroon ng maraming TV exposure, ‘di tulad ng male winner na si Migo Adecer na sunud-sunod ang mga shows sa GMA 7.

Ngayon ay lalabas na si Klea sa second teleserye niya sa Kapuso network na Sirkus kung saan ginagampanan niya ang babaeng apoy na si Zefira.

Unang teleserye ni Klea ay ang Encantadia kung saan gumanap siya bilang si Muyak.

Mas malaki raw ang role ni Klea sa Sirkus dahil bukod sa magandang costume, nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makatrabaho sa mga eksena sina Gardo Versoza at Cherie Gil.

Bini-build up din si Klea na maging future beauty queen. Dahil sa magandang height nito, morena complexion at maamong mukha, hindi malayong manalo ito ng isang titulo at ma-represent niya ang Pilipinas sa isang international beauty pageant.

For now, ang showbiz career ang concentration ni Klea. Para sa role niya bilang si Zefira, nag-aral pa siya ng fire dancing sa isang expert.

Mga nanay ng nagbalikang sina Justin at Selena, nagtalakan 

Pinagtanggol si Justin Bieber ng kanyang inang si Pattie Mallette laban sa mga akusa­syon ng ina ng girlfriend nitong si Selena Gomez.

Naging vocal ang ina ni Selena na si Mandy Teefey na hindi niya gusto ang pakikipagbalikan ng kanyang anak kay Justin.

Mapapahamak daw ulit ang anak nito dahil sa mga pinaggagawa ni Justin noong may relasyon sila.

Pero iginiit ni Mandy na hindi niya kinu-control ang kanyang anak dahil nasa tamang edad na ito para magdesisyon sa gusto at ayaw nito.

Heto ang naging emote ng ina ni Selena sa Facebook post nito:

“Selena can live her life however she wants as long as she is happy, safe and healthy.

“She is 25 years old and knows what is at stake with her health.

“I do not control her the way it has been portrayed. Selena is an adult and can make her own choices.

“Sorry no one can make Selena do anything she doesn’t want to.

“I had a long talk with her about not talking with him and it didn’t click.”

Pero sinabi ng ina ni Justin na walang perpektong tao sa mundong ito. Lahat ay nagkakamali, pero natututo ang lahat sa pagkakamaling nagawa.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, sinabi ni Pattie na kahit na dumaan sa maraming kontrobersya ang anak niya, proud pa siya rito.

“I’m so proud of the amazing young man you are, and the young man you are becoming.

“None of us are perfect and never will be, (so we will always need patience and grace for each other), but your genuine growing relationship with Jesus is evident in the choices you are making daily and the good ‘fruit’ you bear.

“I admire your character and integrity. You are maturing beautifully and wise beyond your years. You are so funny that I find myself laughing out loud when I’m alone, remembering of something you said or did. And your heart is gold. I love you to the moon and back.

“Ps. Did I mention I was proud of you?”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with