^

Pang Movies

Kumita ng P1.5 billion MMFF humamig kina Vice, Coco, Haunted at Siargao!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kumita ng P1.5 billion MMFF humamig kina Vice, Coco, Haunted at Siargao!

Dalawang linggo pagkatapos ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at saka lang nila sinabi kung alin ang naging top grosser sa festival, ang pelikula ni Vice Ganda na Gandarrapiddo: The Revenger Squad. Pero hindi na bago iyon dahil sa ikalawang araw ng festival pa lang, nang magkaroon sila ng awards night, ang pelikula ay tinawag na nilang Peoples’ Choice, ibig sabihin iyon ang tinangkilik ng mga tao.

Pumangalawa raw ang pelikulang Ang Panday ni Coco Martin, na hanggang sa ngayon ay patuloy na dinudumog sa mga probinsiya at nagsimula na ring ipalabas sa abroad. Sinabi pa nilang umakyat sa top 4 ang Haunted Forest at ang Siargao.

Kapansin-pansin na sa kauna-unahang pagkakataon, hindi kasama sa top 4 earners ng festival ang pelikula ni Vic Sotto, na dati ay siyang laging top grosser. Marami ang nagsabing baka nanibago ang mga tao sa pelikula ni Vic, kasi talaga namang “nilagyan ng sense”.

Pero hindi pa iyan ang katapusan. Kung kukuwentahin mo ang after showing income ng mga pelikula, baka makalamang pa si Coco dahil bukod sa pelikula, may mga ginawa na ring internet games na nakabase sa pelikula niya. Mukhang iyon din naman ang in demand sa abroad.

Sa kabuuan, balitang kumita ng halos P1.5 B ang MMFF ngayong taon.

Hindi na kailangang magpaliwanag kung bakit ganoon na lang ang ngiti ni Mother Lily Monteverde. Hindi naman ang pelikula niyang Haunted Forest ang top grosser, pero ang sinasabi nga niya, hindi lang naman sa takilya ang tubo. Para sa kanya, mahalaga rin na ang isang pelikula ay makapagbigay ng break at makalikha ng mga bagong stars, at mukhang nagawa iyon ng pelikula niya.

“We don’t only make films. We make stars,” sabi pa nga ni Mother, bagama’t dinugtungan niya agad iyon ng “don’t quote me” dahil umiiwas siguro siyang masabing nagyayabang siya.

Pero hindi naman pagyayabang iyon. Wala siya talagang big stars sa kanyang pelikula. Nang matapos ang MMFF, naging big stars na ang mga artista niya dahil kumita ang pelikula ang isa sa mga bida ay si Jane Oineza.      

Jake Zyrus itinakwil na ng pamilya?!

Iba ang dating sa amin nang inilabas na birthday greetings ni Raquel Pempengco para sa kanyang anak na lalaking si Carl, na sinabi niyang “ang kaisa-isang lalaki sa Pempengco clan.”

Dalawang bagay iyan. Hindi niya tanggap ang kagustuhan ng anak niyang si Charice na nagpapakilala na ngayong si Jake Zyrus, na isa na siyang lalaki. Ikalawa, itinakwil na niya si Charice at hindi na ibinibilang na kasali sa kanilang pamilya.

Siguro naman nauna na si Charice, dahil hindi na nga niya gina­gamit ang apelyidong Pempengco, at pinanga­ngatawanan niyang Jake Zyrus na ang kanyang pangalan. Kung saan niya nakuha ang pangalang iyon, siya lang ang nakakaalam.

Sa hirap ng raket

Dating aktor napipilitan pa ring maglako ng katawan

Nagkuwento sa amin ang isang kaibigan ng isang dating male star at nagsabing, “actually gusto na niyang magpakatino talaga. Kaya lang medyo hirap sa buhay kaya napipilitan pa ring mag-sideline. Wala naman kasi siyang trabaho, at iyong negosyo naman nila ng misis niya, hindi pa kumikita. Ok naman ang pamilya, pero nasanay na rin kasi siya sa luho eh, kaya hanggang ngayon suma-sideline pa rin. Pero doon lang sa mga dati na niyang kakilala,” sabi ng aming source.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with