^

Pang Movies

Shooting ng movie nakansela, James itinuturo sa emote ni Direk Antoinette

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Shooting ng movie nakansela, James itinuturo sa emote ni Direk Antoinette
James Reid

Ang bilis namang magbintang ng mga tao. Nag-post lamang sa social media ng pagkadismaya ang director na si Antoinette Jadaone dahil sa pagkaka-kansela ng shooting ng kanyang ginagawang pelikula noong isang araw, at sinabing gusto na niyang harapin ang ibang projects dahil sa mga nangyaya­ring delay sa projects na iyon, mabilis namang gumawa ng conclusions ang iba na ang tinutukoy niya ay ang pelikula nina James Reid at Nadine Lustre.

As usual, ang kawawang si James na naman ang napagbibintangang kung bakit hindi natutuloy ang kanilang shooting.

Bago husgahan si James, siguro ay dapat tingnang mabuti ang kanyang sitwasyon. Una, sinasabi nga niyang tatlong pelikula ang sabay-sabay niyang ginagawa. Priority sa mga pelikulang iyon ang nasimulan na niyang movie with Sarah Geronimo.

Ikalawa, puspusan kasi ang paghahanda niya sa kanilang major concert  ni Nadine sa Araneta, ang Revolution, at hindi biro ang ginagawa niyang trabaho roon. Hindi lang siya performer. Inaayos pa niya ang kanyang musika na siya mismo ang gumawa. Inaayos din niya ang iba pang aspeto ng concert na parang siya na nga ang tumatayong producer dahil gusto niya maging hands on siya sa produksiyon. In fact, iyong ginawa nga nilang music video, siya na mismo ang producer.

Bukod sa kanyang priorities, bilang isang talent ay natural na sumusunod lamang naman siya sa kanyang mga handler. Baka nga hindi lang naiintindihan ni direk, hindi naman umaangal ang kanilang mga producer, ibig sabihin alam nila kung anong priorities ang ibinigay para kay James. After all sila rin naman ang producers ng lahat ng iba pang projects na sabay-sabay na ginagawa ni James.

Kaya maliwanag na kung may nabibigyan man ng priorities at may naiiwan, iyon ay dahil sa schedule na ibinibigay din naman nila kay James. Hindi naman dapat na iyong bata ang laging sinisisi.

Nora pinakikiusap na lang para magkatrabaho

Hindi sa kani-kanino, pero naaawa naman kami sa sitwasyon ngayon ni Nora Aunor. Matagal na rin naman siyang walang project kahit na mga indie film. Mukhang bumabaling na rin ngayon ang mga indie directors at producers sa ibang mga artista. Natawag ang aming pansin noong tila “pakikiusap” ng ilang supporters ni Nora na sana ay maisama siya sa isang pelikulang gagawin ni Charo Santos tungkol sa mga senior citizen. Bakit kailangang ipakiusap si Nora na isama sa isang pelikula? Mukhang alanganin naman ang ganung move para sa estado niya bilang isang aktres. Nakakailang naman iyong sinasabing ipinakikiusap na lang siya para masama sa isang indie film. Mukhang ang kailangan nga ay maghanap si Nora ng isang magaling na manager na makaka-diskarte ng tama para maibangon ang kanyang career. Teka, kailan nga ba siya ooperahan para maibalik na ang boses niya?

Ayaw tantanan

Korina tiyak na mahaharang sa immigration dahil sa bagong mukha

Nagulat kami sa nakita naming hitsura ni Korina Sanchez. Kung makikita lang namin siya sa TV, hindi na namin siya makikilala. May duda kami kung hindi rin siya magkakaroon ng problema sa airport dahil iba na talaga ang hitsura niya sa dati, at malamang old picture pa ang nasa kanyang passport. Maaaring sa Pilipinas ay hindi, pero sa abroad, haharangin siya ng immigrations officers sa airport.

Dahil daw iyon sa isang commercial endorsement na gagawin ni Korina, kaya may mga ipinabago siya sa kanyang mukha. Kung kami ang tatanungin, hindi niya dapat ipi­nabago ang mukha niya.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with