^

Pang Movies

Billy gusto nang pagbabago, nagpatali sa Viva ng limang taon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Billy gusto nang pagbabago, nagpatali sa Viva ng limang taon
Boss Vic, Billy, Veronique

Pumirma ng limang taong kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) si Billy Crawford kahapon.

Obvious na gusto niya ng pagbabago sa career. Siguro ay medyo na-burn out na sa nangyayari sa career niya. Hindi na nga naman umasenso sa pagiging host ng It’s Showtime and PGT. Oo nga’t regular siya sa TV at nakikita naman ang husay niya pero nalimutan na ng fans na isa siyang performer – world class ang galing sa kantahan at sayawan.

At least nga naman sa paglipat niya sa Viva, tiyak na magkaka-album siya, concert at pelikulang babagay naman sa kanya.

Ikakasal sila ni Coleen Garcia soon kaya rin siguro gusto na rin ni Billy na mag-iba ng direction ang career.

Wala silang ibinibigay na petsa pero nangako siya sa magiging misis na gagawin niya ang lahat para sa kanila. “We might be sitting on rocks, but I promise I will do everything I can to never be on the rocks. @coleen I love you very much!,” mensahe niya sa kanyang IG account kahapon.

Mismong sina Boss Vic and Ms. Veronique del Rosario-Corpus ang nag-welcome sa kanya sa Viva kahapon.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with