^

Pang Movies

Jameson ayaw ikumpara kay Ronnie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jameson ayaw ikumpara kay Ronnie

Jameson

Starring sa Mama’s Girl ng Regal Entertainment, Inc. ang newcomer na si Jameson Blake na sunud-sunod ang mga pelikula na ginagawa sa movie outfit ni Mother Lily Monteverde.

Madalas na tinatanong si Jameson tungkol kay Ronnie Alonte dahil pilit na pinagkukumpara ang dalawa.

May mga nagsasabi na natalbugan na ni Jameson si Ronnie dahil mas visible siya kesa sa kapwa Hashtags member na umingay naman ang name noong 2016.

Hindi nagpapatangay si Jameson sa mga naririnig na intriga dahil para sa kanya, mas sikat pa rin si Ronnie bilang mas marami raw ito na followers sa social media.

Mukhang mabait na bata si Jameson kaya hindi siya basta nagpapaapekto sa mga pang-iintriga ng mga reporter na nakausap niya sa presscon ng Mama’s Girl.

Sylvia nasa alapaap pa rin, pagbibida ‘di inasahan

Tonight ang premiere ng Mama’s Girl sa Trinoma Cinema.

Excited si Sylvia Sanchez dahil dadalo ito sa premiere ng isang pelikula na siya ang bida.

Ni sa panaginip, hindi naisip ni Sylvia na darating ang araw na magbibida siya sa pelikula pero nangyari ito dahil ipinagkatiwala sa kanya ni Mother Lily at ng anak nito na si Roselle ang lead role sa Mama’s Girl.

Dati-rati, suporta lang si Sylvia sa mga bida pero ngayon, star na star siya sa Mama’s Girl at sa teleserye niya sa ABS-CBN.

Nagpapakatanga, aktres na hinuthutan ng ex-bf, gusto pa ng second chance

Pagod nang gumastos ang isang aktres kaya nakipaghiwalay siya sa kanyang dyowa.

Ang kaso, true love yata ang tumama sa puso ng aktres kaya nanganganib na makipagbalikan siya sa kanyang boyfriend na labag sa kagustuhan ng friends niya.

Aligaga ngayon ang mga kaibigan ng aktres sa pagrereto sa kanya ng mga mhin na hindi niya kailangan gastusan dahil may mga stable job.

Dapat matauhan ang boyfriend ng aktres. Kung gusto niya na magkabalikan sila at maging forever ang kanilang relasyon, magha­nap siya ng trabaho, magbanat ng buto at huwag umasa sa aktres. Gamitin niya ang kanyang katawan na malaki!

Kung may time siya na magpaganda ng katawan, imposible na walang oras para mag­hanap siya ng trabaho ‘no!

Nakapareha ni JC mang-aagaw daw

Hindi pa sinasagot ni JC Santos ang bintang ng kanyang girlfriend na nagtaksil siya sa kanilang apat na taon na relasyon.

Walang binanggit na name ang girlfriend ni JC kaya nadadamay ang pangalan ng mga aktres na nakatrabaho ng aktor sa mga pelikula.

Mabigat ang akusasyon ng girl pero mahirap patunayan, maliban na lang kung matibay ang pinanghahawakan niya na ebidensya.

Nagkataon naman na may ipino-promote na pelikula si JC, ang Mr. & Mrs. Cruz na showing sa mga sinehan sa January 24.

Si Ryza Cenon ang leading lady ni JC sa Mr. & Mrs. Cruz. Malabo na mapagbintangan na third party si Ryza sa break-up ni JC at ng girlfriend nito dahil going strong ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Cholo Barretto.

Teka, sino pa ba ang ibang mga aktres na nakapareha ni JC sa pelikula na single at puwedeng mapagbintangan na third party sa split-up nila ng girlfriend niya na ayaw nang makipagbalikan sa kanya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with