Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mga naipong kayamanan ni Ka Freddie, naabo!

Malungkot na balita na nasunog ang bahay ng music icon na si Freddie Aguilar noong Enero 2, bandang alas 7:30 ng gabi. Salamat naman sa maagang pagdating ng mga bumbero dahil walang ibang bahay pang nadamay at uma­bot lamang iyon sa first alarm, pero naabo ang buong bahay.

Tinatantiyang nasa 20 milyong piso ang halaga ng nasunog na bahay sa North Fairview. Sinasabing may mga mamahaling musical at iba pang recording instruments sa loob ng bahay.

Nakakalungkot ang nangyaring iyan kay Freddie Aguilar. Matagal din naman niyang pinaghirapan ang pagpapatayo ng bahay na iyon, at sinasabi ngang sa ngayon na medyo may edad na rin naman siya, hindi na gaanong aktibo, at sa kalagayan ng music industry sa ating bansa sa ngayon, baka mahirapan na siya uling makapagpatayo ng ganung klase ng bahay.

Bukod din naman sa kanilang mag-asawa, umuwi na ulit sa bahay na iyon ang kanyang anak na babae.

Sa ngayon ay wala pang balita kung saan muna pansamantalang maninirahan si Freddie at ang kanyang pamilya. Pero siguro naman kahit na pansamantala ay may malilipatan sila agad. Balitang wala sa bahay si Ka Freddie nang maganap ang sunog.

Wala pa ring resulta ang imbes­tigasyon sa pinagmulan ng nasabing sunog. Pero may mga naniniwala na ang maaari lamang pagmulan noon ay faulty electrical wiring, pero hintayin na rin natin ang opisyal na pahayag ng mga arson investigators.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Gabby kuntento na sa serye lang

Marami ang pumupuna, masyado na raw yatang mahaba ang ginagawang teleserye ni Gabby Concepcion na Ika-6 Na Utos at kailangan na nga siguro niyang isipin na gumawa naman ng pelikula. Pero parang napakahirap ngang tapusin ang ganoong serye, na sa kabila ng katotohanang napakahaba na nga at alam mong naiba na nang naiba ang kuwento ay patuloy pa ring pinanonood ng mga tao, at nananatiling mataas ang rating.

Sinasabi nga nila, ‘nobody kills the goose that lays the golden eggs”. Isa pa, sinasabi rin namang makagagawa si Gabby ng pelikula kung gusto niya. Hindi naman kagaya ng iba na sagaran ang taping nila. May mga araw pa rin namang walang taping at magagamit ni Gabby ang panahong iyon para makagawa ng pelikula kung gusto niya.

Pero wise rin  si Gabby. Bakit nga ba gagawa pa siya ng pelikula kung hindi siya sigurado sa magiging project niya, eh ganyang malakas nga ang kanilang teleserye at wala naman siyang kailangang intindihin pa. Kumikita naman siya nang higit pa sa sapat.

Dating sexy aktor inaming bayad ang sex video sa gay site!

“Matagal na iyon Tito, at saka nagawa ko naman iyon kasi binayaran ako ng one hundred fifty thousand noon,” ang kuwento ng isang dating male sexy star tungkol sa muli niyang kumakalat na sex video. May kumausap daw sa kanya para gawin iyon, binayaran naman siya, at alam niyang ilalagay iyon sa isang gay sex site sa internet. Pumayag naman daw siya at natanggap niya ang bayad.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: