Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maine at Alden hindi dapat madaliin!

Mabuti na lang, naranasan ko ang rivalry noon nina Vilma Santos at Nora Aunor, ang kasikatan ng loveteam nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kaya hindi ako ngarag at affected sa mga nagaganap ngayon sa loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Natatawa na lang ako kung minsan sa mga reaction ng fans sa mga maliliit na bagay as in parang hindi nila maintindihan ang mga observation at opinion tungkol sa AlDub.

Dapat isipin ng fans na dapat, proper timing ang lahat, hindi puwedeng pilitin sa maling panahon. Up to now, naniniwala ako na kung sa tamang panahon nangyari at mature na silang dalawa, baka hanggang  ngayon married pa rin to each other sina Sharon at Gabby.

Kung walang pressure at hindi pinakialaman ang relasyon nina Tirso Cruz 111 at Nora Aunor, baka naging perfect match din sila.

Hindi kasi puwede ang mga spur of the moment decision sa mga relasyon o sundin ang gusto ng crowd at pilitin kung hindi pa ito napapanahon.

Sayang kung panandalian lang ang lahat, sayang kung basta gusto lang ng marami dahil mas maganda kapag talagang nasa isip at puso na at handa na ang mga sarili.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Good example sina Sharon at Gabby na pareho nang mga mature ngayon kaya mas matagal ang mga relasyon nila sa kanilang mga asawa. Kung mature na sila noon, baka forever ang pagsasama nina Gabby at Sharon.

Look at Angel Locsin, matagal na silang friend ni Neil Arce pero ngayon lang nila nadama ang kilig para sa isa’t isa.

Samantalang noong may Bela Padilla si Neil at boyfriend ni Angel si Luis Manzano, hindi nila alam na hindi pala sila bagay. Hindi talaga kailangan na madaliin ang mga bagay-bagay. Sabi nga, patience is a virtue.

Kung ako ang tatanungin n’yo, naniniwala ako may something sina Maine at Alden for each other pero wait lang tayo.

Huwag natin silang itulak para hindi pilit. Patience is a virtue kaya hintay-hintay lang dahil ang dami-dami pang oras ‘no!

Huwag daanin sa pang-aaway, paglalagay ng kung anu-anong bintang. Lawakan ang isip dahil sabi nga AiAi delas Alas, huwag bobo!

Paolo at LJ, perfect example 

Magandang halimbawa rin ang love story nina Paolo Contis at LJ Reyes na magkasama na nag-celebrate ng Pasko sa Amerika.

Maraming babae na nakarelasyon si Paolo na inalok pa niya ng kasal, si Nancy Castiglione, Isabel Oli at Lian Paz.

Pinakasalan ni Paolo si Lian at nagkaroon sila ng dalawang anak na babae na parehong magaganda pero ang ending, naghiwalay rin sila.

Cebu-based na si Lian at happy sa piling ng kanyang childhood sweetheart. Lalong tumibay ang relasyon nila nang magkaroon sila ng anak na babae.

Si LJ, na-in love nang todo kay Paulo Avelino, may isang anak sila pero humantong din sa paghihiwalay ang  kanilang relasyon.

Nagkamabutihan sina Paolo at LJ na pareho nang mature nang magkaroon ng love affair kaya mukhang hahantong sa forever ang pagsasama nila.

Hindi talaga minamadali ang mga bagay-bagay. Kung ngayon siguro nagkakilala sina Paolo at Lian, LJ at Paulo, baka mas matatag ang relasyon nila sa isa’t isa.

Pero may mga sitwasyon na mahirap ipaliwanag dahil puwedeng natuto rin sila sa kanilang mga nakaraan na pakikipagrelasyon kaya okey na okey na ngayon ang estado ng lovelife nina Paolo at Lian, LJ at Paulo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: