^

Pang Movies

Goma laging handa sa relief at rescue operations!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maaga pa, naka-alert na si Mayor Richard Gomez. Kaharap na niya ang city council dahil sinigurong tatamaan ng bagyong Urduja ang Ormoc City, eh sa paliwanag niya, may katabi silang bundok at inaasahan na nilang bubuhos mula sa bundok ang maraming tubig na makapagdudulot ng baha. Hindi rin naman maikakaila na kung nasa tabing bundok ka, naroroon ang posibilidad ng landslide.

Sabi ni Goma, handang-handa na sila sa mga relief at rescue operations na kailangang isagawa. Naghahanda rin sila sa posibleng disasters hanggang sa tumama sa kanila ang bagyo na tinatayang mangyayari ng alas singko ng hapon.

Iyan ang madalas na sabihin ni Goma, na bagama’t nami-miss niya ang pag-arte, at napakarami ring offers na dumara­ting sa kanya, hindi siya makatanggap ng trabaho. Mas malaki ang kikitain niya bilang isang actor, pero iyon ay natatanggihan niya ngayon dahil sa trabaho bilang mayor.

“Marami ang nagsasabi sa akin ng ganyan, pero itong trabahong ito ay hiningi ko sa bayan. Ibinigay naman nila sa akin. Walang tanung-tanong, nagtiwala sila. Hindi ko puwedeng talikuran ang responsibilidad ko, kahit na isang minuto lang. Kung ganito ngang may problema, kulang na lang sa City Hall na ako tumira eh, para kung may kailangan, nandiyan na ako agad.

“Open din naman ang bahay namin. Basta hindi nila ako nakita sa city hall, puwede silang pumunta sa bahay. Noon sabi ko, kaya ako papasok sa pulitika para magbayad ng utang na loob sa bayan, dahil kung wala ang suporta nila hindi rin ako magiging artistang ganito. Pero ang pakiramdam ko ngayon, nang maging mayor ako, lalo yata akong nabaon sa utang na loob sa bayan,” sabi ni Goma.

Basta nakakarinig kami ng mga ganyang salita, inggit na inggit kami sa mga taga-Ormoc dahil nakakuha sila ng isang mayor na isang sikat na actor at dedicated sa kanyang trabaho.                                                                       

Parada ng mga artista hindi naalala ang kabuluhan?!

Nagulat kami, iyon palang parada ng Metro Manila Film Festival ay gagawin ngayon sa Muntinlupa. Siguro nga naisip nila na kung gagawin iyan sa dating dinadaanan, lalong sisikip ang traffic sa Metro Manila. Pero ang kawawa naman diyan ay iyong fans na nasanay nang nanonood ng parada para makita ang kanilang mga hinahangaang artista, na hindi na makakapunta sa Muntinlupa.

Natatandaan namin noong nagsimula ang MMFF noong 1975, naikuwento sa amin ni Secretary Guillermo de Vega, na noon ay chairman ng Board of Censors for Motion Pictures, na siyang nakatulong naman noon ni Mayor Joseph Estrada na presidente rin noon ng PMPPA, para makuha ang Christmas season para maging panahon ng festival. May kabuluhan pati ang idinaraos na parada.

Nagsisimula iyan sa CCP na siyang sentro ng sining sa bansa, at tinatapos sa Luneta bilang pagpupugay din sa mga bayani ng bansa. Hindi lang basta parada iyan. May kahulugan iyan. Sayang at ang mga nagpapatakbo ng festival ngayon ay hindi alam ang kaisipan ng mga taong talagang nagsimula ng festival.

Aktor inilalako ang sarili sa art shows

Panay ang appearance ng isang character actor sa art shows, at iba pang upscale na gatherings. Iba pala ang target niya. Ina­asahan niyang doon siya makakakilala ng mga matrona, o kahit na mayayamang bading na magiging interesado sa kanya, “kasi wala siyang kita sa showbiz ngayon”.

Ibang klase na talaga ang mga “sideline” sa ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with