^

Pang Movies

Sampalan nina Lovi at Erich sa pelikula sa 2018 na ipalalabas!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Shocked ang beauty ko nang may dumating na freezer kahapon sa bahay ko. Yes, freezer, courtesy of Papa Enrico Roque, ang former mayor ng Pandi, Bulacan.

Naloka ako dahil first time na may nag-deliver ng freezer sa akin at laman nito ang sangkatutak na Jollicious products tulad ng mga ham at hotdog na negosyo ni Papa Enrico.

Ang suwerte-suwerte ko talaga sa mga kaibigan na sobrang generous at matulungin sa mga nangangailangan.

Bukod sa kanyang food business na Jollicious na mga celebrity endorser sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino, co-producer din si Papa Enrico ng Cineko Productions, ang movie company na producer ng Mang Kepweng Returns, Bes and The Beshies, Fallback at ang coming soon na The Significant Other starring Tom Rodriguez, Erich Gonzales at Lovi Poe.

Balak ni Papa Enrico at ng kanyang mga business partner na isali sa Metro Manila Film Festival 2017 ang The Significant Other pero may conflict dahil may another movie si Erich na kalahok din sa filmfest.

Nagdesisyon na lang si Papa Enrico at ang mga co-producer niya na ipalabas sa mga sinehan sa 2018 ang drama movie na ipinagmamalaki nila.

Cineko… nakapila na ang mga pelikula

May lunch date kami kahapon ni Joey Santos ng Red Juice sa isang hotel sa Quezon City.

Ipinagmamalaki ko kay Papa Joey ang freeze at Jollicious products na natanggap ko na Christmas gift mula kay Papa Enrico.

Again, naloka na naman ako dahil biglang dumating sa lunch date namin si Papa Enrico na inimbitahan ni Papa Joey without my knowledge.

Malapit lang pala ang opisina ng Cineko Productions sa hotel na pinuntahan namin ni Papa Joey.

Siyempre, tuwang-tuwa ako dahil nakapagpasalamat ako kay Papa Enrico nang personal.

Sa kuwentuhan namin, nalaman ko na maraming pelikula ang gagawin ng Cineko Productions dahil happy sila sa box office results ng past movie projects nila. May plano rin ang Cineko na gumawa ng pelikula sa Europe at na-excite ako sa possibility na kasama ako sa shooting. Ang bongga ‘di ba?

Red juice pwede kay Chavit

Si Papa Joey Santos naman ang pioneer sa stem cell therapy at distributor sa mga supermarket at drugstore ng Red Juice.

Matagal ko nang kaibigan si Papa Joey na malaki ang kinalaman kaya dalawang beses ako na sumailalim noon sa stem cell therapy sa Germany.

Inirerekomenda ng mga doktor sa kanilang mga pasyente ang Red Juice na tumutulong sa body cleansing at pagpapapayat.

Mula nang tumulong si Papa Joey sa marketing ng Red Juice, lalong lumakas ang sales ng produkto na maraming health benefits sa katawan.

Gusto kong irekomenda kay Papa Chavit Singson ang Red Juice para lalong maging bagets ang itsura niya.

Nagkita kami ni Papa Chavit sa church wedding nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan sa Christ The King Church sa Greenmeadows noong Martes dahil ninong din siya.

Natawa ako kay Papa Chavit nang magkalapit kami dahil nag-dialogue siya na mag-Instagram din ako tungkol sa kanya.

Why not? Si Papa Chavit pa? Ang dami-daming kong puwedeng i-share na kuwento tungkol sa kanya, kahit bihira kami na magkita. Natuwa lang ako dahil kahit pareho kami na mga senior citizen, updated si Papa Chavit tungkol sa social media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with