^

Pang Movies

Mister ni AiAi biglang nag-mature ang hitsura

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mister ni AiAi biglang nag-mature ang hitsura

AiAi delas Alas at Gerald Sibayan

Very intimate ang naganap na pag-iisang dibdib kahapon nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City.

May official videographer kaya hanggang sa labas lamang ng simbahan ang coverage ng GMA 7. Nagpaunlak naman na magpainterbyu kay Lhar Santiago ang mga celebrity guest sa pinag-uusapan na kasal nina AiAi at Gerald.

In all fairness, pumayat si Gerald as in kinarir niya ang pagbabawas ng timbang para sa important day nila ng kanyang misis.

Alam nating lahat ang age gap nina Gerald at AiAi pero kahapon, parang magkasing-edad lamang sila dahil bagets na bagets ang hitsura ni AiAi.

I’m sure, hindi lang ako ang nakapansin na kapag ang babae ang mas matanda sa mhin, ang lalaki ang biglang nagma-mature ang hitsura at blooming and fresh na fresh naman ang mga misis nila.

Sharon parang ikakasal sa suot na gown

Tuwang-tuwa si Sharon Cuneta habang naglalakad sa church aisle dahil feel na feel niya ang pagiging matron of honor.

Parang si Sharon ang ikakasal dahil dirty white na may print na flo­wers ang gown niya. Totoo ang tsismis na pumayat na ang Megastar dahil prominent na ang korte ng kanyang katawan.

Maaasahan na matron of honor si Sharon dahil nakatutok siya kay AiAi. Kapag hindi maayos ang veil o ang train ng gown ni AiAi, may-I-fix agad ito ng Megastar na enjoy na enjoy sa role na ibinigay sa kanya ng BFF niya.

Pangalawang anak ni AiAi absent

Ring bearer si Seth Andrei, ang bunsong anak ni AiAi na habang lumalaki, lalong nagiging guwapo.

Maid of honor ang one and only daughter ni AiAi na si Sophia at best man ang kanyang panganay na si Sancho Vito.

Hindi nakarating si Niccolo, ang second son ni AiAi na matagal nang US-based. Sure naman na makikita ni Niccolo sa social media ang mga video at litrato ng church wedding ng madir niya.

Sancho kumpadre ang tito

Sa true lang, magkasundung-magkasun­do si Gerald at ang mga anak ni AiAi.

Matunog na kumpadre ang tawag ni Sancho sa kanyang stepfather. Impor­tan­­te na kasundo ng mga anak ang ma­­­pa­pangasawa ng nanay nila at dahil mahusay ma­ki­sa­ma si Gerald, naging barkada agad niya ang mga anak ni AiAi.

Mukhang natagpuan na talaga ni AiAi kay Ge­rald ang kanyang ideal man na makakasama niya, forever and ever.

Ilang ninong at ninang hindi nakasipot

Aalamin ko pa kung bakit hindi nakarating sa wedding ceremony sina Boy Abunda, Cristy Fermin, Willie Revillame, at Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Maaga ang oras ng kasal nina AiAi at Gerald. Ini­sip ko na lang na baka may previous commitments ang mga hindi nakadalo. Puwedeng hirap sila na gumising ng maaga o baka pinili nila na pumunta sa wedding reception sa Blue Leaf Taguig.

Baka nagkasalisi lang kami dahil umapir ako sa simbahan pero hindi na ako nagpunta sa wedding reception dahil may conflict sa mga schedule ko.

Mula sa Christ The King Church, dumiretso ako sa presscon ng Deadma Walking, ang official entry ng T-Rex Entertainment sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Pagkatapos ng presscon, may late lunch date pa kami ni Papa Ricky Lo sa mga bossing ng House of Obagi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with