^

Pang Movies

Ellen idinisplay ang engagement ring nila ni John Lloyd?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ellen idinisplay ang engagement ring nila ni John Lloyd?!

May pa-singsing na nga ba si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna? At ang laki ng bato ha.

Ito ang napansin ng followers ng nababalitang buntis na sexy actress na ang sinasabi ngang ama ay si John Lloyd.

Sa kanyang IG story kasi hawak ni Ellen ang kanyang doggie na pinapa-greet niya ng good morning. Pero imbes na ang aso ang kaaliwan ng kanyang followers, ang suot na dalawang singsing ng aktres ang napansin.

Ang lalaki ng diamonds sa nasa­bing singsing. Engagement na nga ba ‘yun?

Isa pang pinagpiyestahan ay ang IG story na ang caption ay ‘midnight cra­vings.’

Nakunan ang aktor na naghahanap ng pagkain sa fridge na siyempre ay naikonek  na ‘naglilihi’ na rin ang aktor.

Mukhang walang planong magsalita si John Lloyd sa tunay na kalagayan ng sexy actress sa kasalukuyan.

Kris napalitan na ang korona

Social media na nga ang bagong career ni Kris Aquino.

Sunud-sunod ang mga post niya sa lahat ng social media platforms araw-araw.

Kasalukuyan siyang nasa Singapore kung saan siya nakipag-meeting sa representatives ng Google, YouTube, Facebook and Instagram.

Kaya nga raw nagpalit na si Kris ng title hindi queen of all media, queen of social media na.

Bagama’t social media na ang buhay ng career ni Kris sa kasalukuyan, wini-wish pa rin ng ibang fans na iba pa rin ang popularity niya kung sa TV siya mapapanood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with