^

Pang Movies

Rachel tinalikuran ang pagiging conservative, image ng Pinay iniba!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Rachel tinalikuran ang pagiging conservative, image ng Pinay iniba!

Rachel Peters

Sabi ng isang beauty pageant enthusiast, sunud-sunod daw ang Pilipinas na “Lotlot and friends”. Ibig sabihin, hindi nananalo. Pero siguro ganyan lang talaga. May panahon naman na sunud-sunod ang ating panalo. Minsan hindi man inaasahan, nananalo ang ating kandidata. Kung natalo man, hindi na siguro dapat sumama ang loob natin.

Bagama’t palagay namin, minsan tama ang mga pamumuna ng mga kritiko na ang hangarin ay mailagay lang sa ayos ang lahat.

Isa sa pinag-uusapan ngayon ay ang ating Binibining Pilipinas Universe na si Rachel Peters dahil sa kanyang ipinakitang national costume.

Ang national costume niya ay sinasabing inspired ng legendary “sarimanok”. Ok lang naman kung gusto nilang ipakita ang sarimanok. In fact hindi ba nasa logo iyon nang unang gawin ang Miss Universe sa Pilipinas noong 1974? Pero mukhang mali nga na sabihing ang suot ni Rachel ay national costume ng Pilipinas.  Sino bang Pinay ang magsusuot ng ganoon. Totoo ang sinasabi ng mga basher, para raw iyong costume na ginagamit sa mga show sa mga gay beauty contest.

Ang costume na may mga malalaki pang pakpak, nakikita namin iyan sa mga contestants ng mga bikini contest. Maski iyong mga bikini contest ng mga lalaki ay may ganyan. Pero ang sasabihin mo na iyan ay national costume, malabong mangyari ‘yan.

Traditionally, ang sinasabi nating national costume ng mga Pilipino ay iyong Maria Clara, kung hindi man ay ang traditional na baro’t saya. Magkaroon man ng variation, hindi naman iyang ganyang may malaki pang pakpak at bathing suit na iyong panloob. Sinasabi nga nila, ang mga Pinay ay conservative pa.   Maski pag-aralan ninyo ang lahat ng kulturang katutubo sa Pilipinas, walang may suot na ganyan. Ipilit ninyo na iyan ay National Costume baka ma-Lotlot and friends din kayo.

Kenneth hindi apektado ang career kahit may asawa’t anak na

Natuwa raw nang husto si EB Bae Kenneth Earl Medrano nang isama siya sa pelikulang Trip Ubusan. Siguro nga nakakakita siya ng pag-asang muling aangat ang kanyang career kung magiging isang malaking hit ang pelikulang iyan.

Si Kenneth ay nagsimula bilang isang social media personality lamang. Tapos noong manalo siya sa contest ng Eat Bulaga, sumikat siya sa kabila ng katotohanang may asawa’t anak na nga siya. Hindi na siya maituturing na bagets dahil tatay na siya.

Ang masakit, naging biktima rin siya ng video scandal, na wala naman siyang masisisi kung hindi ang sarili niya. Medyo bumaba ang popularidad niya dahil doon, bumaba rin ang popularidad ng kanilang grupo matapos ang iba pang iskandalo ng members, kabilang na iyong nakitang may kahalikan pang lalaki.

Ang kanilang show, hindi nakalaban sa katapat na programa, kaya pinalitan din ng isang show ng mga Lola kahit na over exposed na rin sila. Sana nga makabawi naman si Kenneth. Makikita mo naman ang kanyang pagsisikap. Kailangan niya iyon para sa kanyang pamilya.

Aktor na rumampa sa isang show, guwardyado ng isa pang aktor

Totoo ba, sinundo agad ng isang male star ang isa pang male star na nagpa-sexy sa isang fashion show, at itinext daw na “nandito na ako, huwag kang sasama sa iba.” Bakit, may relasyon sila?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with