^

Pang Movies

Mga pelikulang lalangawin sa MMFF, hinulaan na agad!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ayaw naming maging “prophet of doom”, pero sa totoo lang, nang makita namin kahapon ang lumabas na line up ng Metro Manila Film Festival, naniniwala kaming may mga pelikulang magiging luhaan ang mga producer. Tiyak iyon, may mga mababawasan agad ng sinehan matapos ang unang dalawang araw ng festival. Siguradong sasabihin na namang sila ay inagawan ng sinehan ng mga malalakas na pelikula.

Pero totoo naman iyon, hindi mo maaaring pilitin ang mga tao na panoorin ang pelikulang hindi nila gusto. Hindi mo rin naman maaaring pilitin ang mga sinehan na ilabas ang pelikulang walang nanonood. ‘Yan na ang naging mentality ng festival noong nakaraang taon. Alisin ang mga pelikulang naghi-hit, at pabayaan ang puro indie dahil sa paniwala nilang kung walang mapapanood, mapipilitan ang mga tao na panoorin sila.

Eh ano ang nangyari? Hindi sila pinanood, at sa kauna-unahang pagkakataon ay naging box office flop ang MMFF. Hindi ninyo mapipilit ang mga tao, lalo na ngayon na ang daming pelikula sa video. May cable television pa. May maida-download pa. Kung ayaw nila ng palabas sa sinehan, hindi sila mapipilit na manood kahit pa ipagduldulan n’yo pa.

Sinundan pa nila iyon ng katakut-takot na festivals, lahat naghingalo. Pinilit nila ang isang regular playdate para sa pelikula nila, hindi ba nalugi rin naman kahit na bargain ang kanilang admission price?

Tapusin na kasi natin ang ilusyon ng mga “nagmamarunong” sa industriya ng pelikula. Hindi ninyo mapipilit ang mga tao kung ano ang gusto nilang panoorin. Hindi ninyo mabibilog ang ulo ng mga tao sa pagsasabing nanalo kayo ng  awards kahit na sa abroad pa. Hindi na nga pinapansin ng mga tao ang awards. Kahit manalo ka pa sa abroad, kung ayaw nila sa iyo wala kang magagawa. Utos na nga ng Diyos sinusuway eh, kayo pa?

Pero makikita mo, may mga pelikula pa ring pinilit na isali sa festival. Sige lang sumali sila hanggang gusto nila, pero huwag nilang sisisihin ang kahit na sino kung nalulugi na sila.

Career walang kinahinatnan, Francheska Farr kuntento na sa buhay sa piling ng asawa

May asawa na pala ang singer na si Francheska Farr at masaya sa kanyang buhay sa piling ng asawa sa US.

Iyan ang artistang binigyan naman ng lahat ng break ng kanyang network, dahil magaling naman siya pero hindi su­mi­kat. Palagay namin, ang malaking pagkakamali sa dis­kar­te sa kanyang career ay pinagawa siya ng isang napakalaking pelikula na hindi naman kumita. Hindi ‘yung nakatulong sa kanyang career. Doon lumabas na hindi nga siya sisikat dahil nga nag-flop na agad kahit ginastusan at sa ibang bansa pa nag-shooting.

Iyon ang tumuldok sa kanyang career.

Napag-usapan nga namin ang isang dating sikat na artista, gumawa ng maling project at natapos siyang lumuluha. Ngayon may sinimulan na namang project na siguradong iiyakan din naman niya. Ang mga artista kasi, kadalasan hindi na alam ang rea­lidad ng buhay. Naniniwala na sila sa kanilang ilus­yon.

Dapat bago gumawa ng project, pag-aralan muna kung papatok ba. Kasi ano ang saysay ng pe­likula mo kung wala namang manonood? Kahit sikat ka, isipin mo, sapat pa ba ang kasikatan mo sa kasalukuyan para masabi mong kikita ang pelikula mo? May fans ka pa bang aktibo na susuporta sa iyo? Buksan natin ang ating mga mata. Tingnan natin ang katotohanan. Huwag tayong mabuhay sa ating mga gustong paniwalaang ilusyon.

Iyan lang ang sikreto para magtagumpay ang isang artista sa kanyang proyekto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with