^

Pang Movies

Boyet at Sandy positibo sa pagkatalo ni Mariel

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Positive thinkers ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong kaya naniniwala sila na hindi man nag-win si Mariel sa Miss International 2017, umpisa lamang ito ng mga magagandang oportunidad para sa kanilang anak.

Sa true lang, mahirap sumali sa lahat ng klase ng mga contest, mapa-beauty pageant man o eleksyon dahil siguradong may mga mananalo at merong mga matatalo.

Okey na okey kung nanalo ka tulad ni Winwyn Marquez, ang bagong Reina Hispanoamericana pero bago nagtagumpay sa beauty contest, naranasan niya na umuwing luhaan nang mag-join siya sa Bb. Pilipinas noong 2015.

‘Di ba may sinabi noon si Mark Herras na halos isang buwang ayaw ni Winwyn na makipag-usap nang matalo ito sa Bb. Pilipinas 2015? At that time, nililigawan pa lang ni Mark si Winwyn.

Masakit na natalo ka na nga, may maririnig ka pang masasamang salita mula sa ibang tao.

Wagas ang pamimintas nila kaya tibay talaga ng loob ang number one weapon sa anumang laban. Higit sa lahat, kailangan ng acceptance as in alam mo agad kung paano tatanggapin ang reaksyon ng publiko.

Pero pinakamahalaga ang support group mo, ang pamilya at mga tunay na kaibigan. Isipin mo rin na hindi puwedeng lahat winners dahil sa lahat ng laban, may loser at kung ikaw ‘yon, sorry na lang, better luck next time. Don’t be a poor loser, always be positive.

Pia dapat gawing role model ng mga talunan

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang per­fect example ng loser pero naging winner dahil lumaban at ipinakita sa buong universe na may karapatan siya na maging beauty queen.

Tatlong beses na sumali si Pia sa Bb. Pilipinas bago siya napili bilang official representative ng ating bansa sa Miss Universe 2015.

Kung nawalan ng pag-asa at pinanghinaan si Pia ng loob, hindi matutupad ang kanyang dream na maging Miss Universe.

Hindi sana siya naging instant millionaire at hindi magkakaroon ng kaliwa’t kanan na endorsement.

Isa lamang si Pia sa mga beauty pageant repeater na nagpursige dahil bukod sa tiwala sa sarili, may suporta sila na natanggap mula sa kanilang pamilya at true friends.

My Bae Champion Kenneth Medrano muntik magpakamatay

Hindi nag-deny ang That’s My Bae grand champion na si Kenneth Medrano dahil inamin nito na siya talaga ang starring sa alleged nude photos na ibinibintang sa kanya at pinagpistahan sa social media.

It pays to be honest. Hindi nasuspinde sa Eat Bulaga si Kenneth dahil ipinagtapat nito ang katotohanan na hindi pa siya contestant ng That’s My Bae nang kunan niya ng selfie photo ang sarili.

Natauhan din si Kenneth dahil hindi niya itinuloy ang balak na pagpapakamatay nang kumalat ang kanyang mga litrato.

Wala nang titindi pa sa mga pinagdaanan ni Hayden Kho, Jr. at ng ibang mga aktor na nasangkot sa mga video scandal controversy. Ngayon, normal na uli ang takbo ng mga buhay nila dahil nakipaglaban sila sa depression na naranasan.

Napag-usapan ang past ni Kenneth dahil nakausap siya ng mga reporter sa presscon ng Trip Ubusan: The Lolas vz. Zombies at ang scandal na kina­sangkutan ang isa sa mga isyu na itinanong sa kanya. Na-appreciate ng press ang honesty ni Kenneth na first movie ang Trip Ubusan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with