^

Pang Movies

Vice inalay ang award sa nalunod na hashtag member

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Robi nagbingi-bingihan sa mga sinabi ni Gretchen

Matagumpay na idinaos ng Philippine Mo­vie Press Club (PMPC) ang Gabi Ng Parangal ng 31st Star Awards For Tele­vision, kagabi, ika-12 ng Nobyembre, 2017, sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University. 

Hosts ang magkapatid na Ruffa at ­Ri­­­chard Gutierrez kasama sina Jodi Sta. Maria at Robi Domingo; inawit nina Ronnie Liang, Jason Dy, Kris ­Law­rence, Radha, at Jessa Zaragosa ang mga theme song ng teleseryes; sing and dance naman sina Elmo Magalona at Janella Salvador kasama ang Boyband.Ph; at bilang tribute sa Ading Fer­nando Lifetime Achievement Awardee na si Vic Sotto, inawitan siya nina Vina Morales and The Company.
Ipinagkaloob ang Excellence In Broadcasting kay Martin Andanar; Longest Running Daytime Drama Antho­logy ang Maynila at German Moreno Power Tandem ang dalawang sikat na loveteam na JoshLia (Joshua Garcia & Julia Barretto) at RocSan (Rocco Nacino & Sanya Lopez).

Napakaraming funny moments sa stage on and off-cam sa awards night kaya naman buhay na buhay ang audience.

Aliw din ang speech ni Aiko Melendez nang tanggapin niya ang kanyang Best Drama Supporting Actress for Wildflower kung saan ay sinabi niyang girl crush niya si Marian Rivera na nakaupo sa harapan kasama ang asawang si Dingdong Dantes.

“Ay kuya John (Estrada), andiyan ka pala! Andito pa ‘yung girl crush ko, si Marian. Oy, huwag ka magselos, Dingdong, ha? Paghanga lang, hindi naman ako les­bian,” pahayag ni Aiko.

Sobrang nakakatuwa rin ‘yung pangangantyaw ng ­audience sa ex-couple na sina Robi at Gretchen Ho.

Si Robi ang isa sa hosts at si Gretchen naman, ma­ka­ilang beses umakyat para tang­gapin ang award ng Umagang Kay Ganda at ng iba pang Kapamilya co-winners.

Sa tuwing aakyat si Gretchen ay nasa stage rin of course si Robi, sa bandang gilid kaya aliw na aliw ang audience na tingnan ang reaksyon ng dalawa habang nasa isang stage at ang lakas ng sigawan nila.

Nang tanggapin ni John Estrada ang kanyang Best Single Performance by an Actor award para sa pagganap niya sa Mansanas at Juice episode ng Maalaala Mo Kaya (ka-tie si Alden Richards for Eat Bulaga Lenten Special Kapatid episode), inalay niya ito kay Isabel Granada na kasama niya sa MMK.

Nakakaiyak naman ang part kung saan ay tinanggap ng mga Hashtags members na sina Jimboy Martin, Wilbert Ross, CK Kieron and Kid Yambao ang award ni Vice Ganda as Best Male TV Host para sa It’s Showtime since wala nga ito at dumalo ng kasal nina Erwan Heussaff at Anne Curtis sa New Zealand.

Napaiyak ang mga miyembro nang ialay nila ang tropeo ni Vice kay Franco Hernandez na bilin ng comedian/TV host.

“We would like to accept this award on behalf of Vice Ganda and ito pong napakahalagang…” ang sabi ni Hashtag CK na nagsimula nang mapaiyak.

“Ito pong trophy na ‘to, gusto pang ialay ni ate Vice sa brother po namin na ka-Hashtag po namin na si Franco Hernandez. And Bro, we know na you are watching over us and you will now be our angel. We love you, bro! Para sa ‘yo ‘to,” ang umiiyak na pahayag pa ni Hashtag CK.

Samantala, nanalong Best Drama Actress si Sylvia Sanchez para sa Greatest Love at si Dingdong Dantes naman para sa Alyas Robinhood ka-tie si Ruru Madrid para sa Encantadia.

Sa kabuuan ay naging napakaaayos ng produks­yon ng Airtime Marketing Philippines, Inc. ni Ms. Tess Celestino mula sa direksyon naman ni Bert de Leon.
Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN’s Sunday’s Best, sa Nov. 19.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with