^

Pang Movies

John Lloyd at Ellen sa lamay naman nagpakita!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakikiramay ako sa pamilya ni Guadalupe Romulo, ang anak ni former DFA Secretary Alberto Romulo. Gaya ni Isabel Granada, aneurysm din ang ikinamatay ni Lupe na kapatid nina Mons Romulo at former Congressman Roman Romulo, ang asawa ni Shalani Soledad.

Kabilang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa mga nakiramay sa mga naulila ni Lupe. Dahil sa pagpunta ng dalawa sa burol ng anak ni Secretary Romulo, nalaman ng fans na naririto na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na matagal na nagliwaliw sa Europe.

Sorry ni Maria Isabel, hindi tinanggap!

Hindi tinanggap ng publiko ang apology ni Ma­ria Isabel Lopez. Para sa kanila, malaki ang kasa­lanan na ginawa ni Isabel kaya mababaw na parusa ang suspension ng driving license niya.

Hindi nagkaroon ng problema si Maria Isabel kung hindi nito ini­lagay sa Facebook ang video ng pag­daan niya sa ASEAN lane dahil sa kanyang kagustuhan na huwag maipit sa matinding trapik sa EDSA noong nakaraang Sabado.

Marami ang galit na galit kay Isa­bel dahil sa pangdededma nito sa batas na ipinatutupad ng MMDA habang nagaganap sa bansa natin ang ASEAN Summit.

Palaban pa rin si Isabel sa pagsasalita kaya nadagdagan ang pagkaimbyerna sa kanya ng mga kababayan natin na below-the-belt ang mga batikos.

Tiniyak naman ng MMDA na sasampahan nila ng kaso si Isabel dahil sa security breach.

Patung-patong ang mga kaso laban kay Isabel tulad ng disregarding traffic signs, violation of the anti-distracted driving act, at reckless driving.

Hindi na kailangan ng MMDA na maghanap ng mga saksi dahil sapat na ebidensya ang mga video ni Isabel at ang kanyang mga Facebook post na mahirap i-deny at mabilis na kumalat sa Internet.

Dahil sa ginawa ni Isabel, naungkat ang pang-aaway niya noon kay Mrs. Stella Araneta, ang founder ng Bb. Pilipinas Charities, Inc.

Ang sabi ng fans, may mga valid reason pala para i-ban si Isabel sa lahat ng activities ng Bb. Pilipinas, kahit siya ang may hawak ng Bb. Pilipinas Universe title noong 1982.

Pilita pinalakpapan ng vips sa ASEAN

Si Pilita Corrales ang ka-duet ni President Rodrigo Duterte nang udyukan ito ni US President Donald Trump na kumanta sa dinner para sa ASEAN Summit delegates noong Linggo.

Kinanta nina Pilita at Papa Rody ang Ikaw, ang favorite song ng presidente ng Pilipinas.

Ang suwerte ni Pilita dahil nag-perform siya sa harap ng mga VIP pero luckier ang mga lider ng iba’t ibang bansa na nabigyan ng opportunity na mapanood ng upclose and personal ang Asia’s Queen of Songs.

Hindi lamang si Pilita ang pinalakpakan ng audience dahil mainit din ang pagtanggap sa production number nina Lani Misalucha, Elha Nympha, Jed Madela, Jona, at iba pang mga Pinoy singer na world-class ang talent sa pagkanta.

AiAi at Marian waging-wagi sa Star Awards for TV

Congrats sa BFF na sina AiAi delas Alas at Marian Rivera dahil win ang mga beauty nila sa Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club na ginanap noong Linggo sa Ateneo de Manila University.

Nanalo si AiAi na Best Comedy Actress para sa kanyang karakter sa Hay Bahay, ang sitcom ng GMA 7 na matagal nang nag-babu sa ere at best female television host naman si Marian para sa Sunday PinaSaya, ang Sunday noontime program ng Kapuso Network.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with