^

Pang Movies

Isabelle Daza parang hindi buntis, walang paki na humataw sa sayawan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Isabelle Daza parang hindi buntis, walang paki na humataw sa sayawan

Isabelle Daza

Parang hindi buntis si Isabelle Daza sa after party ng kasalang Erwan Heussaff and Anne Curtis.

Kitang-kita sa video na nag-viral kahapon na hinahawakan niya ang tiyan habang enjoy na enjoy sa pagsayaw na tumatalun-talon pa sa tugtog na Despacito. Kaya naman natilian siya ng isa sa mga kasama niya sa video, “huy ‘yung anak mo.” Hahaha.

Biglang napatigil si Isabelle na natawa na lang.

Fifteen seconds lang ang nasabing IG story pero kitang-kita na enjoy na enjoy si Isabelle. Kasama niya sa New Zealand ang mister niyang si Adrien Semblat.

Kaya naman super trending siya kahapon sa Twitter.

Bantay-sarado ang mga galaw ni Isabelle ng netizens. Kaya naman sa tuwing may gagawin siyang hindi tama sa paningin ng followers, nagti-trending siya.

Billy Crawford at Coleen Garcia

Billy at Coleen inuna ang trabaho

Mas inuna ng ikakasal din na sina Billy Crawford and Coleen Garcia ang trabaho kesa sa kasal ng kasamahan ni Billy sa It’s Showtime na sina Erwan at Anne.

May sinagot si Coleen na “We both have work here in Manila,” sa rason nang hindi nila paglipad sa New Zealand.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with