^

Pang Movies

Mommy Guapa ni Isabel hindi pa rin matignan sa ataul ang anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Dagsa pa rin ang mga tao sa pangalawang gabi ng lamay ni Isabel Granada last Friday night sa Santuario de San Jose Parish, East Greenhills.

Dumating sina Lorna Tolentino, mag-asawang Sen. Tito Sotto and Helen Gamboa kasama ang anak nilang si Ciara Sotto, Tessie Tomas, mga kaibigan at kasamahan ng aktres sa That’s Entertainment tulad nina Chuckie Dreyfus, Jennifer Sevilla, Harlene Bautista, Bryle Mondejar, Keempee de Leon, Billy Crawford, Romano Vasquez, Shirley Fuentes at marami pang iba na ang ilan ay hindi na nga namin makilala dahil sobrang naiba na ang hitsura.

Naroroon din of course ang asawa ni Isabel na si Arnel Cowley, ang ex-husband na si Jericho Aguas aka Geryk Genasky, ang anak na si Hubert and of course, ang ina ng aktres na si Mommy Guapa.

Just like the first night, sa pangalawang gabi ay hindi pa rin matingnan ni Mommy Guapa ang kabaong ng anak. Noong unang gabi ay talagang ayaw niyang bumaba sa kanyang van at ilang oras siyang nanatili roon.

Bumaba lang si Guapa sa sasakyan nang marami nang bisitang dumarating at hinahanap siya kabilang na si Mother Lily Monteverde ng Regal Films.

Nakakadurog ng puso na sa tuwing pumapasok si Mommy Guapa sa chapel ay halos patalikod dahil ayaw niyang makita ang kabaong ni Isa. At pag pumasok naman siya, diretso siya sa likuran sa gilid kung saan ay hindi niya masyadong nakikita ang anak. Wala siyang ginawa kundi umiyak habang nakaupo sa gilid.

Napakaganda ni Isabel suot ng kanyang white dress na ayon nga kay Bianca Lapus ay ipinagawa niya sa designer-friend niyang si Bea Bianca. As in sobrang ganda ni Isa at animo’y natutulog lang.

Dahil nga open na sa public viewing simula noong Friday ang lamay, marami ang kumuha ng larawan ng mukha ni Isa habang nakahimlay sa kabaong at ipinost sa social media. Ito ay lantarang pagdisrespeto sa isang patay kaya naman nanawagan ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Isabel na itigil na ang pagpo-post ng larawan ng aktres na nasa loob ng ataul. Ang panawagan ay sinamahan ng hashtag na #RespectIsabelGranada.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Isabel, ngayong araw, Sunday.

Paalam, Isabel. You will always be remembered. Rest in peace with the angels above.

Elmo at Janella bibida sa Wansa…!

Tiyak na matutuwa ang ElNella fans dahil balik-telebisyon na ang kanilang idolong sina Elmo Magalona at Janella Salvador. Sila ang mapapanood sa bagong episode ng Wansapanataym simula ngayong Sunday, Nov. 12.

Sa episode na pinamatang Jasmin’s Flower Powers, tunghayan ang pag-uumpisa ng kwento ni Jasmin (Janella), isang dalagang ulila na nahiwalay sa kanyang kapatid na si Daisy (Heaven Peralejo) matapos mamatay ang kanilang mga magulang na sina Dahlia (Bernadette Allison) at Oscar (John Medina).

Magdadala naman ng kasiyahan kay Jasmin si Thor (Elmo), ang customer ng kanilang flower farm na kanyang ring kasintahan. Ngunit paghihiwalayin sila ng ina ng binata at pilit na tatakutin upang hindi ituloy ang kanilang pagmamahalan.

Isang flower fairy ang magpapakita kay Jasmin at malalaman nilang hindi pa pala patay ang magulang kundi isinumpa lang at nakakulong sa loob ng isang mahiwagang bulaklak.

Kaya naman iikot din ang kwento kung paano maliligtas ng magkapatid na Jasmin at Daisy ang kanilang magulang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with