^

Pang Movies

Erwan at Anne winner ang destination wedding!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang gaganda ng mga litrato ng pre-wedding party nina Erwan Heussaff at Anne Curtis sa Queenstown, New Zealand.

Type na type ko ang venue na very relaxing sa paningin.

Nakatira sa New Zealand ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Rafael. New Zealand resident na rin ang anak at mga apo ni Amy Austria.

Noon pa ikinukuwento sa akin nina Boyet, Sandy at Amy na napakaganda ng New Zealand kaya hindi nakaka­gulat na ito ang pinili nina Anne at Erwan para pagdausan ng kanilang kasal.

Sa mga picture na nakita ko, ang linis-linis ng tubig, berdeng-berde ang mga dahon ng puno at parang walang pollution sa Queenstown, New Zealand na perfect venue talaga para sa private wedding nina Anne at Erwan.

Contestants sa Wowowin  pinagpe-perform sa ASEAN Summit

Tuwang-tuwa si Willie Revillame dahil ang ilan sa mga magagaling na contestant sa talent competition ng Wo­wowin ang inimbitahan na mag-perform para sa ASEAN Summit delegates. Amazing ‘di ba?

Hindi naman nakapagtataka na napansin sa buong mundo ang mga contestant ng Wowowin dahil pang-world class ang kanilang mga talent sa pagkanta at pagsayaw.

Sa true lang, puwedeng ikumpara sa mga contestant ng Asia’s Got Talent ang mga kasali sa talent competition ng top-rating game show ni Willie sa GMA 7.

Imagine, mga nameless pa sila pero hinahangaan ang galing sa pagkanta at pagsasayaw kaya hindi imposible na matupad ang kanilang mga pangarap na makilala at sumikat sa entertainment industry.

PDS pumalag na rin sa dagdag buwis  sa pagpapaganda

Pumalag na rin ang Philippine Dermatological Society sa senate bill na dagdagan ng buwis ang mga sumasailalim sa cosmetic surgery.

Para sa mga opisyal at member ng PDS, hindi makatarungan ang panukala na hinihiling nila na huwag ituloy dahil pabigat ito para sa mga pasyente na nangangarap na gumanda ang kanilang mga physical appearance at gumaling ang mga problema sa balat at kung ano-ano pa.

Ibinalita sa TV Patrol noong Biyernes ang hinaing ng PDS. Bago pa nagreklamo ang samahan ng mga dermatologist, nauna nang umapela ang Flawless sa panawagan nito na Don’t Tax My Beauty.

Ang Flawless ang leading skin and beauty clinic ng bansa at may mga celebrity endorser sila na hindi rin agree sa panukala ni Senator Sonny Angara.

Hoping ang PDS at ang Flawless na pakikinggan ng Senado ang kanilang apela na huwag silang patawan ng 20% excise tax na hindi rin pinapaboran ng mga mahihilig na magparetoke ng katawan.

Aktor na may pelikula, totohanan ang pantasya sa co-actor na probinsyano

True at hindi press release na pantasya ng aktor ang co-star niya sa pelikula.

Bukod sa guwapo ang co-star, gustung-gusto ng aktor ang pagiging probinsyano ng kapwa aktor kahit matagal na ito sa showbiz.

Hindi naman inililihim ng aktor na bisexual siya pero feel niya na hanggang pangarap na lang ang kanyang pantasya sa aktor dahil may girlfriend ito.

Kuntento na lang ang aktor na pagmasdan ang co-star niya na walang malisya sa kapwa at walang phobia sa third sex kaya nagugustuhan ng mga vaklush.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with