Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mga bisita sa kasalang Anne at Erwan nagkalat sa New Zealand

Kanya-kanyang aura at pictorial sa New Zealand ang ilang showbiz celebrities. Feel na feel nila ang lamig at view sa bansa gaya nang naka-post sa kani-kanilang Instagram accounts.

Balita kasing ngayong araw na ito, November 11, ikakasal sa nasabing bansa sina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Pero walang kumpirmasyon mula sa couple to be at tiklop din ang bibig ng guests nila.

Ang mag-asawang Nico Bolzico at Solenn Heussaff ang unang nag-post nang ginawa nila sa NZ. Patay na rin kasi ang character ni Solenn sa Alyas Robin Hood kaya wala siyang inaalalang ta­pings. Naroon na rin ang sister ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith na malaki ang role sa kasal ng sister niya.

Naroon na rin sina Isabelle Daza at Adrien Sem­blat. Paeklay niya, nasa New Zealand siya para mag-selfie. Present na rin sina Cheska Garcia at kasamahan sa noontime show ni Anne na sina Vhong Na-varro, Ryan Bang, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta at lovers na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Kahapon naman lumipad sina Vice Ganda at mag-asawang Karylle at Yael.

Marian makikipagkita rin sa STATE COUNSELLOR ng Myanmar

Walang exclusivity clause na provision sa pinirmahang kontrata ni Marian Rivera bilang brand ambassador ng Kultura. Kilala rin kasi si Yan sa pagsusuot ng damit mula sa signature international brand.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Wala, walang ganoon. Pero puwede kong matchy-matchy ang Kultura at ibang damit na isinusuot ko. Nagawa ko na ‘yan at type ko,” saad ni Ma-rian sa contract signing niya last Thursday.

Nagkaroon ng idea ang Kultura na kunin siyang endorser nang makita nila ang post ni Yan suot ang kanilang silk barong dress nu’ng inau­guration ni VP Leni Robredo.

“The post was met with remar­kable response, which included numerous inquiries to this day about the dress she was wearing and its availability in our stores,” rason ng isa sa executives ng Kultura.

Bukod sa design at pagiging gawang Pinoy ng Kultura, natuwa pa si Yan dahil ‘yung bahagi ng sales last Thursday sa reopening ng store sa SM Makati ay mapupunta sa Smile Train para suportahan ang 6,000 plus na batang may bingot na project ng Smile Train.

Ngayong araw na ito, suot ni YanYan ang gawang Kultura para dumalo sa isang welcome dinner para sa Prime Minister ng Cambodia na si Hun Sen at State Counsellor ng Myan-mar na si Aung San Suu Kyi bilang bahagi ng gaganaping ASEAN Summit sa bansa.

#NasaanAngRespeto Mukha ni Isabel sa loob ng kabaong ipinagkakalat ng fans

Kawalan naman ng respeto ‘yung pagkuha sa picture ni Isabel Granada habang nakahimlay sa kabaong. Kahapon ay isinapubliko ang pagtingin sa labi ng yumaong aktres sa Santuario de San Jose sa Greenhills.

Pambabastos ‘yung ginawang ‘yun ng isang ne­ti­zen at inilabas pa sa kanyang Facebook account. Maging maingat dapat ang namamahala sa wake ni Isabel nang sa gayun ay ‘wag nang maulit ang pagkuha ng litrato ng aktres sa kabaong.

May public viewing muli ngayon kaya huwag palapitin ang may dala ng cellphone, huh! Kung asawa at kamag-anak niya, never kinuhanan si Isabel na nakahiga, sila pa itong pakialamero eh wala namang kaugnayan sa aktres, huh!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: