Former mainstays ng That’s Entertainment nag-reunion sa wake ni Isa
Sina Ara Mina, Sunshine Cruz, Jennifer Sevilla, Shirley Fuentes, Patricia Javier, at ang ibang mga former mainstay ng now defunct show na That’s Entertainment ang mga nakiramay sa unang gabi ng lamay para kay Isabel Granada na pumanaw sa Doha, Qatar noong November 4 dahil sa brain a-neurysm.
Kahit may kanya-kanya nang buhay at ibang mga pinagkakaabalahan, may communication at magkakaibigan pa rin ang mga dating miyembro ng That’s Entertainment. Nagdaraos sila ng mga reunion para lang magkumustahan, magkita-kita at kapag may problema ang isa sa kanila, tinutulungan nila.
Si German Moreno ang nasa likod ng success noon ng That’s Entertainment. Kung nasaan man ngayon si Kuya Germs, siguradong maligaya siya dahil hindi nawala ang pagkakaisa at pagmamahal sa isa’t isa na walang sawa na itinuro niya sa cast ng That’s Entertainment na mga bagets pa noon.
Billy at Isa maraming pinagsamahan
Bukod sa That’s Entertainment, maraming pelikula na pinagsamahan sina Isabel Granada at Billy Crawford.
Ate Isa ang tawag ni Billy sa pumanaw na aktres at malamang na hindi siya makapunta sa burol ni Isabel dahil kabilang siya sa mga imbitado sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na magaganap ngayon, November 11, sa New Zealand.
“You will be missed. May you rest well in the presence of our Lord, Jesus Christ. My condolences goes out to mommy Gwapa and the rest of your family. I lost a friend but gained an angel,” ang mensahe ni Billy para sa kanyang Ate Isa.
Fans ni Heart nako-konsensiya kay Sen. Chiz
Nag-sorry kay Senator Chiz Escudero ang fans ng “loveteam” nina Heart Evangelista at Alexander Lee dahil ang feeling nila, nagkakasala sila sa senador.
Kinikilig kasi ang fans ng My Korean Jagiya sa sweetness ni Heart at ng Korean actor na leading man niya sa primetime teleserye ng GMA 7.
May naramdaman na guilt ang supporters nina Heart at Alexander dahil naka-tag si Papa Chiz sa kanilang mga social media post.
Walang dapat ikabahala ang Heart-Alexander fans dahil hindi seloso si Papa Chiz ‘no! Tulad nila, nakatutok din si Papa Chiz sa top-rating primetime teleserye ng misis niya.
Kapuso actors nag-uunahan sa Boys Over Flowers
Umaasa ang ilang male contract stars ng GMA 7 na makakasali sila sa cast ng Philippine adaptation ng Japanese manga series na Boys Over Flowers, kesehodang may announcement na pipiliin ang mga magbibida sa pamamagitan ng nationwide open audition.
Nakuha ng GMA Network Inc.ang karapatan na i-produce ang Pinoy version ng sikat na television series.
Naganap ang pirmahan sa pagitan ng GMA 7 executives at JU Entertainment Movie and Drama Inc., ang Philippine company na may Korean counterpart, noong Huwebes, November 9.
- Latest