^

Pang Movies

Ano kaya ang isusuot ng pambato natin? Kandidata ng Malaysia pagkain ang irarampa sa Miss U!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa November 26 na gaganapin ang 67th Miss Universe sa Las Vegas, Nevada, USA. Ngayon pa lang ay abala na ang ilang candidates sa kanilang mga pambulaga sa opening ng naturang pageant.

Kasama sa candidates na pinagkaabalahan ng kanyang bansa si Miss Malaysia Samantha Katie James. Nag-viral kasi ang pasilip ni Miss Malaysia ng kanyang isusuot na national costume sa Miss Universe sa Instagram account ng Miss Malaysia Universe Organization.

Sa naturang photo, hindi national bird or flower ang ipaparada ni Miss Malaysia kundi pagkain. Ang national food ng Malaysia ay ang Nasi Lemak, isang rice dish na hinahanda sa dahon ng saging.

“NASI LEMAK!!! Malaysia’s very own iconic traditional food! AND My fav food ever!!! Designed and beaded fully by hand in one month! By @briankhoo @bybriankhoo And his team of 6! So much love and passion put into such an extraordinary and I’m sure unforgettable national costume representing what we Malaysians love, OUR FOOD!! Infact I just had a nasi lemak salad version (since competition is close!) at @lajuiceria THANK YOU ALL SO MUCH For the team work and never ending support  I love you team fifi!! And team MUMO @missuniversemalaysia, @shawncutlerbangsar for the best hair styling and @lancomeofficial for the make up. This for me, is ART, pure talent, and I’m honored to be the one who’s wearing it! I’m ready and so excited to wear it at @missuniverse in Las Vegas!! Don’t forget to watch! #MissUniverse,” ayon pa sa caption.

Ang nag-design ng kakaibang national costume ni Miss Malaysia ay ang sikat na Malaysian couturier na si Brian Khoo.

Paolo masusubukan ang kapalaran sa manika

Noong nakaraang Halloween ay nag-post si Paolo Ballesteros ng photo nila ni Joey de Leon sa Instagram na parehong naka-make-up.

Ito ang twinning photo nila bilang original at bagong Barbi sa pelikulang Barbi The Wonder Beki.

May caption na “I love you and thank you! @angpoetnyo #BarbiDWonderBeki” ang IG post ni Paolo.

Pagkatapos nga ng kanyang award-winning performance sa Die Beautiful noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF), balik sa pagpapatawa si Paolo sa remake ng Barbi ni Joey.

“Ang inspiration ko sa makeup ni Barbi is parang manika.

“Natuwa naman si Tito Joey, actually kapag nagsho-shoot kami, parang nage-enjoy din siya,” ngiti pa ni Paolo.

Makakasama din sa pelikula ay sina Kim Domingo at sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Ang pelikulang Barbi: Maid In The Philippines ay isa sa box-office hit movies ni Joey de Leon noong late ‘80s. Tungkol ito kay Bartolome del Rosario na nagpanggap bilang isang babae para ma-hire siya bilang isang nanny sa malaking mansion.

Taylor Swift nanggulat sa inilabas na bagong kanta!

Muling nambulaga si Taylor Swift dahil sa pag-release ng ika-apat niyang single mula sa inaabangang album na Reputation.

After ng Look What You Made Me Do, Ready For It?, at Gorgeous, heto at lalabas na ang Call It What You Want.

Sa social media naglabas ng ilang lyrics mula sa new single niya noong nakaraang November 2.

“Holding my breath/ Slowly I said/ ‘You don’t need to save me...” reads the card that features the title in handwritten red letters across the middle and the words “But would you run away with me?” ... “Yes” underneath.”

Maglalabas din si Swift ng series sa AT&T na The Making of a Song. Dito mapapanood kung paano nabuo ni Taylor at ang kanyang team ang album na Reputation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with