^

Pang Movies

Puntod ng horror queen na si Lilia Cuntapay, wala pang lapida

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Naalala lang namin, ngayong taong ito ay mukhang na-miss namin ang totoong “queen of horror movies” na si Lilia Cuntapay. Mas marami siyang nagawang horror movies. Mas marami siyang natakot din in the past. At higit sa lahat, mas magaling naman siyang umarte kaysa sa ibang umaangkin sa titulong queen of horror.

Si Aling Lilia ay tumanggap na rin ng maraming awards, at may ginawa pa siyang isang pelikulang indie na tribute sa kanya noong nabubuhay pa siya, na nagpakita ng totoong pagpapakasakit ng isang supporting star sa mga pelikula.

Pero wala na nga ang reyna ng horror movies na si Lilia Cuntapay, dahil namatay na siya. Totoo na ngayon ang dati ay ginagampanan lamang niyang role.

Pumasok sa aming alaala si Lilia Cuntapay dahil noon mismong araw ng Undas, nasa balita siya sa telebisyon, dahil ipinakikita ang fans niyang dumayo sa sementeryo sa Pinili, Ilocos Norte, at sila ang naglinis at naglagay sa ayos ng libingan ng queen of horror. Nakunan pa nila ng video na marami nang mga halamang ligaw na halos matabunan ang nitso ng aktres, at wala pa palang lapida ang kanyang libi­ngan. Hindi nga siguro maasikaso ng kanyang mga naiwan, dahil inamin naman nila na kahit sila ay kapos sa pera. Ayaw naming sabihing nakakaawa, pero siguro naman may mga tao sa industriya na makakatulong na palagyan man lang ng lapida para magsilbing marker doon sa libingan ng isang artista na matagal na panahong pinakinabangan din naman ng industriya.

Kung nabubuhay nga lang siguro ang master showman na si Kuya Germs, madali lang iyan. Iyong bawa’t isang star na inilalagay ni Kuya Germs noon sa Walk of Fame, mahigit na 30 thousand ang bawa’t isa noon. Sobra-sobra pa para sa isang lapida. Sana lang, may tumulong naman na mabigyan ng pagpapahalaga ang tunay na reyna ng horror mo­vies.                       

Krisis sa pelikula hindi na totoo

Sino nga ba ang nagsasabing hanggang ngayon ay may umiiral pang krisis sa industriya ng pelikulang Pilipino? Sinasabi nga nila iyong pelikula ni Aga Muhlach ay kumita ng 180 milyon sa loob ng dalawang linggo. May mga pelikula pang kumikita nang mahigit na 400 milyon sa loob ng isang linggo lamang. Iyong pelikulang Thor, na hindi naman kagandahan, marami ang nanonood. Hindi nga lang ugali ng mga distributor ng mga pelikulang Ingles na ipagyabang din ang kanilang kinikita.

Pero totoo ha, noong nakaraang linggo, sinilip namin ang isang pelikulang Tagalog na palabas sa isang mall at mukhang apat lang kaming nanood sa sinehan, lumabas pa kami sa kalagitnaan ng pelikula.

Ang maliwanag diyan, panonoorin ng tao ang mga pelikulang gusto nila. Hindi sila payag na idinidikta sa kanila ng mga nagmamarunong kung anong sine ang panonoorin nila. Ayaw nila ng mga pelikulang alam nilang binarat. Ayaw nilang manood nang hindi nila kilala ang mga artista. Ayaw nilang mapanood iyong mga pelikulang puro paghihirap ng buhay ang ikinukuwento. Higit sa lahat, ayaw nila ng mga pelikulang walang kuwento at walang kuwenta.

Ang krisis ng industriya kung ganoon, ay hindi dahil sa publiko na ayaw sumuporta sa pelikula, kung di sa mga director, producer at mga artistang hindi marunong gumawa ng pelikulang gustong mapanood ng mamamayang Pilipino.

Sharon time-out muna sa social media, abala na sa shooting!

Tiyak na busy na sa pagsu-shooting si Megastar Sharon Cuneta ng movie nila ng favorite ka-love team niyang si Robin Padilla sa Star Cinema na dinidirek ni Cathy Molina Garcia. Kapansin-pansin kasing walang masyadong updates sa kanyang Facebook page.

Isa lamang ang post niya, last Sunday pa, October 29:

“Megastar Sharon Cuneta invites you to her benefit concert this January 13, 2018, at Waterfront Hotel Cebu.

“Proceeds of the benefit show will bless two charitable institutions in the community.  One is HoME, an NGO that helps abandoned and abused children while the other is St. Mary’s Home for the Aged Foundation, Inc., a non-profit, aged-cared facility that rescues abandoned senior citizens.  Save the date.”

Nai-post na rin ito ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang Instagram account at sana raw suportahan ang benefit show ni Mega. Mabilis namang nagpasalamat si Sharon kay Regine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with