^

Pang Movies

Sakit ni Isabel dinidiskubre ng fans!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sakit ni Isabel dinidiskubre ng fans!

Isabel Granada

Positibo pa rin ang mister ni Isabel Granada na si Arnel Cowley na madadala sa dasal ang kondis­yon ng kanyang misis na wala pa ring malay-tao hanggang sa isinusulat ang balitang ito.

Pahayag ng negosyanteng mister ng singer/actress, may tumulong luha sa mata ni Isabel nang kausapin niya kaya alam nitong gustong lumaban ng misis.

Arnel Cowley

Kuwento pa ni Mr. Cowley sa ­aming reporter na naka-base sa Qatar na si Manny Flores, nahirapan naman ­siyang sabihin sa nag-iisang anak nito (Hubert Thomas Jericho) sa unang mister (Jericho Aguas) ang sinapit ng ina.

Kaya ang tinawagan daw niya ay ang ex ni Isabel para sabihin sa teen­ager na anak ang nangyari.

Samantala, dahil sa nangyari kay Isabel, marami ang nagre-research kung ano ba ang aneurysm at kung ano ang symptoms nito. Kilala kasing active and healthy lifestyle ang pina-practice ni Isabel bago ito nag-collapse sa Qatar habang nagde-demo ng herbal products sa isang event na dinaluhan niya roon. Lalo na nga’t sinabi ng mister ni Isabel na suma­kit lang ang ulo at nahilo ang asawa bago nangyari ang brain hemorrhage.

Kapamilya at Kapuso sabay nag-shoot NG Xmas ID!

Sabay bang nag-shoot kahapon ng Christmas Station ID ang ABS-CBN and GMA 7?

Ma­rian Rivera

Nasa Bambbi Fuentes Salon si Ma­rian Rivera kahapon at inaayusan siya ni Bambbi mismo. At ang sabi nga niya ay magsu-shoot sila for X-mas station ng kanyang network. Eh kahapon din nagkalat sa social media na nag-shoot ang Kapamilya Network ng Pamaskong station ID.

Iba rin ang tapatan noh. Pati station ID shoot nagkakasabay sila though series malamang ang magiging shoot ng bawat network.

Sa ABS-CBN, #JustLove ang tema pero ‘yung sa GMA ay hindi pa lumulu­tang sa social media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with