^

Pang Movies

Batikang fight director na si Baldo Marro namaalam na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Malungkot ang balitang hatid ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla sa kanyang Facebook account kahapon. Namatay na ang actor-director-fight director na si Baldo Marro.

Kaibigan ang turing ni Cong. Lani kay Baldo na naging bahagi ng halos lahat ng action stars kabilang ang asawa niyang si Sen. Bong Revilla, Jr. Karamihan ng action films at TV projects ni Bong ay si Baldo ang fight director.

Sa post ni Lani, ang wake ni Baldo ay sa Samson Funeral Homes along Tirona Hiway sa Bacoor City, Cavite.

Sa sobrang husay, Juday gustong sabunutan si Regine

Nakahinga nang maluwag si Regine Velasquez-Alcasid sa unang gabi ng R3.0 concert niya last Saturday sa SM Mall of Asia Arena. Jampacked ang venue at panalo ang lahat ng production numbers.

Bago ang concert, kinakabog ang dibdib ni Reg. Pinanghawakan niya ang verse sa Bible na, “I can endure all these things through the power of one who gives me strength.” mula sa Philippians 4:13 CEB. Ang verse na ito ang madalas niyang binanggit sa ilang bahagi ng concert.

Sa post naman niya kahapon sa Instagram bago ang second night ng concert niya, isang verse muli ang ibinahagi niya. “Jesus replied, ‘What is impossible with man is possible with God.’” – Luke 18:27 NIV.

Touching naman ang message ni Ogie Alcasid sa kanyang asawa sa IG.

“I am to this day in awe of your gift my love. That gift is your heart that you openly and willingly give so many and most of all to the one that made it. Again, he is pleased and he is praised. Mighty proud of this lady we call the songbird. Congrats mahal!! #R3.0.”

After ng 30 years showbiz celebration ni Regine, paliligayahin naman nila ni Ogie ang kababayan natin sa States sa kanilang USA Concert Tour 2017, ang Mr. & Mrs. A. Sa October 29 ang nang sabak nila sa Pittsburg, California; Nov. 3 sa Las Vegas, Nov. 5 sa New York City; Nov. 11 sa San Diego; at Nov. 12 sa Los Angeles.

Pagbalik ni Ogie, isang special concert ang gagawin niya sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, ang The Soundtrack of My Life. Bahagi rin ito ng 50th birthday celebration ni Ogs at sa November 30 ito mapapanood.

Sasamahan si Ogie ng Manila Philharmonic Orchestra at special guest niya si Regine.

Samantala, sa rami ng celebrities na nanood ng concert ni Regine, ang may kaaliw-aliw na video post ay si Judy Ann Santos.

Habang nasa stage si Reg, nakisabay si Juday sa kinakanta nitong Bluer Than Blue na may echos na birit din.

Caption niya, “Muntik na e. Muntik na akong mang agaw ng micropono kanina e. Iba ka @reginevalasid! Sarap mong sabunutan sa husay e! Congratulations songbird! Maraming mahuhusay..pero nag-iisa ka. #R3.0”

Siya nga pala, sa three-volume album ni Reg na inilabas kasabay ng concert, may special participation ang anak na si Nate sa kantang I Can.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with