Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ellen At John Lloyd magkaka-baby na?!

‘Tiyuhin’ pumiyok

May isang post ang dating news anchor na si Jay Sonza, kung saan ipinakita niya ang chat nila ng kanyang pamangking babae. Hindi naman niya sinabi kung sino ang pamangkin niyang iyon, except sa bandang huli ay nabanggit niya ang pangalang Elena.

Sa usapan nila, si Elena ay kasama ng kanyang boyfriend na nagbabakasyon ngayon sa abroad. Nabanggit ang mga bansa ng Morroco, tapos Paris, France at iba pang lugar. Inamin din ni Elena sa kanilang chat na kasama niya ang kanyang boyfriend, at sigurado nga siyang “iyon na iyon”.

Mayroon pang binanggit si Elena, na siya ay nasa isang interesting stage na, at sinabi pa niya sa kanyang tiyuhing si Jay Sonza, “hindi ba sinabi mong blessing iyon. I am now blessed”.

Wala naman kaming sinasabing kahit na ano, nabasa lang namin na buntis na pala si Elena na pamangkin ng dating news anchor na si Jay Sonza.

Dahil sa Facebook post na ito ni Jay Sonza, marami ang naghinala na ang kanyang tinutukoy na Elena ay si Ellen Adarna na kasalukuyang nasa Morocco kasama ang rumored boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Alex patutunayan ang pagiging box-office star

Kung iisipin, mabigat na challenge talaga para kay Alessandra de Rossi iyang pelikula niyang 12. Hindi lang siya ang bida sa pelikula, sinasabing siya rin ang gumawa ng kuwento at script ng pelikulang iyan. Bukod doon, dalawa lang ang major cast ng pelikula, sila ng leading man niyang si Ivan Padilla. Baguhan din ang kanyang leading man, at kahit na sinasabing nakalabas na rin naman siya sa Hollywood TV some time ago, kailangang mas maipakilala pa siya sa publiko ngayon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pero ang pinakamalaking challenge kay Alessandra, galing siya sa isang pelikulang naging isang malaking hit, iyong pinagtambalan nila ni Empoy Marquez na Kita Kita. Sinasabi ngang maabot lamang ng kanyang pelikulang 12 kahit na kalahati ng box-office hit noong pelikula nila ni Empoy, ok na siya.

“Pero ibang pelikula iyon at ibang project naman ito, pero ang masasabi ko maganda ang pelikulang ito kaya naniniwala ako na kikita rin siya. Ngayon iba na ang paniwala ko, wala sa artista iyan eh kung di nasa kuwento. Basta maganda ang kuwento ng pelikula panonoorin ng mga tao kahit na sino pa ang artista.

Ito ngang 12, last year pa ito eh, hindi namin magawa dahil naghahanap nga sila ng leading man. Sabi ko naman, kahit na sino puwede. Nakita naman nila iyong resulta noong pelikula namin ni Empoy, noon bang una may nagsabing magiging ganoon kalaking hit iyon? Tapos nga sa paghahanap ng leading man, sabi ko kahit na sino, basta marunong umarte. Hanggang nakita nga nila si Ivan, tapos sabi ko naman guwapo siya, puwede. Nagawa na nga namin ang pelikula,” pagkukuwento ni Alessandra.

Pero malaki nga ang paniniwala maging ng kanyang mga producer na magiging isang mala­king hit din iyang 12. Diyan mapapatunayan ni Alessandra kung siya ay isa nang box-office star.

Model na nag-aartista naglalabasan ang malalaswang video

Hindi maganda para sa isang modelong nag-aartista ang patuloy na paglabas ng kanyang mga ginawang sex videos noong araw, o ginagawa pa rin niya hanggang ngayon.

Hindi na yata maubos iyong mga naglalabasang sex videos. Ok lang iyan kung gusto niyang ma­ging bold star, pero iyong nagpo-project pa siyang wholesome ang kanyang image, tapos ganyan ang naglalabasan sa Internet, aba hindi maganda iyan.

Ang masakit pa, kitang-kita naman sa mga video ang mukha niya, kaya hindi niya masasabing “fake news lang” lahat iyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: