Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Alex galing sa Hollywood ang bagong ka-loveteam

Alex at Ivan

Sumakto ang baguhang si Ivan Padilla para maging leading man ni Alessandra de Rossi sa bago niyang movie na 12 mula sa Viva Films. Baguhan man sa bansa ang aktor na mula sa pamosong Padilla clan, impressed sa kanyang credentials si Alex na nakalabas na sa ilang American TV shows gaya ng Dexter, CSI: Miami at CSI: New York. Nakalabas na rin siya sa Hollywood movie na Here Comes The Boom kasama si Salma Hayek.

Walong taon na sa bansa si Ivan at nakalabas na sa blockbuster na 100 Tula Para Kay Stella bilang boyfriend ng bidang si Bela Padilla. Hindi pa niya nami-meet nang personal sina Robin at Daniel Padilla subalit ayon sa kanya, malapit siya kina Zsa Zsa Padilla at mga anak nito na sina Karylle, Zia, at Nicole.

“Siguro ang series na Dexter ang pinakamahaba kong ginawa. Isang season ako roon at kontrabida ako. I am a Padilla. My grandfather is Amado Cortez and my grandmother si Gloria Sevilla. Tito ni Robin siya. Cousins kami ni Robin,” pahayag ni Ivan na sinamahan ng Tita Suzette Ranillo sa presscon.

Mabigat ang role ni Ivan sa movie na isinulat ni Alex. Nagpa-search sila sa Facebook ng director na si Dondon Santos at nang na-tag siya sa credentials ni Ivan, hindi na siya nagdalawang-isip na kunin s­iyang kapareha.

Ayon sa bagong tinaguriang Box-Office Queen, natulala siya sa mahabang eksenang batuhan nila ng dayalog ni Ivan. Ano naman ang feeling that time ni Ivan?

“Sobrang nagalingan ako sa kanya. Sobrang galing! Iba ang emotion niya. She can just throw herself into the scene. Napaka-emotional siya. Yeah, shes’ amazing and knows her character so well,” saad pa ng baguhang aktor.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dahil nag-i-enjoy na sa local scene, mamamalagi muna sa bansa sa Ivan.

“Sa totoo lang, walang katiyakan sa buhay na ‘to. But for now, I’m really enjoying here sa ‘Pinas. I really like the roles that I am getting. I’m really happy with my management here. Malay mo, balang araw, babalik ako sa US,” rason ni Ivan.

Makikita ang pakikipagsabayan ni Ivan kay Alex sa aktingan sa movie na mapapanood sa November 8.

Nadine idinaan na lang sa workout ang ‘sakit’

Lumutang ang isang photo sa Instagram kahapon kung saan magkasamang nasa workout sina James Reid at Nadine Lustre. Mula ito sa isang @leigh_p311 na pumasok sa aming IG account. Kasama rin sa picture ang sister ni James na si Lauren Reid.

“Behind that laughter...her eyes says it all...She’s a strong woman.” - @iamrizzaibanez.

“Parang maga nga yung mata ni Nadine.” - @hellonayumi.

“Dinaan nlang ni Nadine sa pag work out para hindi malungkot.” - @desireesaligan.

“Halata sa mata nya na galing sa iyak.” - @dioniciamalana.

“The eyes are the windows to our soul. Di maitago yung lungkot.” - @salazar7549.

“Sometimes you jus gotta pretend everything si fine.” - @justazzirk.

Ilan ‘yan sa komento ng netizens sa photo after na lumabas ito sa IG 6 hours ago nang isinusulat namin ito.

Hanggang kahapon, wala pa ring statement mula sa Lustre family sa pagkamatay ng younger brother ni Nadine na Isaiah na turning 17 na sana ngayong Oct. 13.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: