^

Pang Movies

Pamilya ni Erich isang taon tumira sa gilid ng simbahan

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Pamilya ni Erich isang taon  tumira sa gilid ng simbahan

Erich Gonzales

Drama to the max pala ang kuwento ng buhay nina Erich Gonzales, kanyang ina at mga kapatid noong kabataan ng aktres.

Hindi niya nakagisnan ang kanilang ama. Tanging ina lang ang kanilang kasama at binuhay sila nito sa abot ng kanyang makakaya.

At seven, kuwento ni Erich, nang mag-guest siya sa programang Magandang Buhay, hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, naranasan daw niya ang mangutang sa tindahang sari-sari na malapit sa kanilang tini­tirhan. At hulaan n’yo kung saan sila minsang nanirahang mag-anak? Tanong ni Erich. Sa gilid ng simbahan na tanging malapad na tela lang na luma na ang nagsisilbing kanilang pantabing.

Mga isang taon din daw silang nagtagal doon. Salamat na nga lang at naunawaan ng pari ng kanilang diocese ang kanilang kalagayan. Pati na ang parishioners.

Tubong Davao si Erich at ang naging daan tungo sa kanyang napakagandang panibagong buhay ay nang sumali siya sa audition na ginanap sa kanilang lugar ng mga possible participants sa isang season ng Pinoy Big Brother (PBB).

Naalala ni Erich na one of the judges sa nabanggit na pi­lian was Boy Abunda.

Now, ayon kay Erich, she lives alone in a plush unit sa isang popular condominium, well near of course, ABS-CBN. Nagkita na rin sila ng kanyang ama. Ang isa niyang nakatatandang babae ay sa Japan na naninirahan with her family.

Devon naambunan ng suwerte sa PBB

Bukod kay Erich, mga ilan pang nakaranas ngayon ng panibagong buhay, thanks to Pinoy Big Brother ay sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, James Reid and hopefully, Maymay Entrata.

Like Erich, they all finished champ sa isang particular season ng PBB.

Si Devon Seron naman na runner-up lang to PBB champ James Reid ay naambunan din ng suwerte. Devon plays leading lady to Korean actors Jin Ju-Hyung and Hyun Woo in the currently showing You With Me, filmed in its entirety sa Korea but directed by Filipino director, Rommel Ricafort.

Kikitain ng concert ni Token diretso sa charity

Tonight na, 8 p.m., nakatakdang i-launch ng Neg­rense charity diva na si Token Lizares ang kanyang bagong album, Token Lizares: Till The World Is Gone, via a concert na gaganapin sa RJ Bistro, Dusit Thani Hotel in Makati.

Token’s repertoire will center of course, on the five tracks of her new album: Ikaw Ang Sagot, Ganyan Ka Kamahal, One Life To Live, Time Moves, and Till the World Is Gone, which is the carrier single.

Bukod sa Time Moves on which Token herself wrote, all the other four songs ay compositions ng kilalang composer na si Vehnee Saturno.

Ang music video ng album ay guma­gawa ng ingay sa YouTube, with Token playing leading lady to actor Al Tantay.

Like all her past concerts, kung magkano man ang kikitain nitong Till The World Is Gone, Token will donate to any of her favorite cha­rities. O, kung anumang individual na nangangaila­ngan ng tulong.

Sa isang concert na tinampukan ni Token, she donated ang kinita sa namayapang radio host at entertainment writer na si Richard Pinlac.    

Balik-pelikula ni Aga,  promising ang teaser

Wow, Salve A., teaser pa lang sa mga sinehan, in between the showing of the Star Cinema movie, Last Night na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, at sort of comeback movie ni Aga Muhlach, yes, after three years, umaani na ng excitement ang Seven Sundays.

Seven Sundays, a Star Cinema production and directed by Cathy Garcia-Molina co-stars Aga for the first time with Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Cristine Reyes.

The four of them play siblings at ang gumaganap na ama nila ay si Ronaldo Valdez.

Aga was last seen on the big screen sa In The Name of Love, co-starring him with Angel Locsin and Jake Cuenca. Also a Star Cinema movie, si Olive Lamasan ang nagdirek nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with