Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hanggang Facebook na lang pangako ni Willie kay Kris, napako!

Ang bilis ng labas ng mga pralala nila noon na kesyo igagawa ng TV show ni Willie Revillame si Kris Aquino. Nangako naman daw kasi si Willie na tutulungan ang dating presidential sister at daughter. Pero mukhang maski si Willie ay walang nagawa para maipasok si Kris sa network. Bago si Willie, umugong na ang manager ni Kris ay si Tony Tuviera na, at noon pa man may pralala na sila na magkakaroon siya ng show sa GMA 7, pero wala ring nangyari.

Minsan lang nakalusot si Kris Aquino sa GMA 7, noong ilabas ang isang documentary na ginawa niya, na ang producer ay blocktimer. Ibig sabihin nagbayad ng airtime para mailabas ang show, at inilabas iyon ng hatinggabi na. Pagkatapos noon, balik na naman siya sa Facebook. Ang masakit pa, ni hindi niya masasabi ngayon na siya ang “queen of Facebook” dahil tiyak na maba-bash siya ng followers ni Mocha Uson na mas maraming followers kaysa sa kanya.

Ano pa nga bang career sa showbiz ang naghihintay para kay Kris Aquino?

Noon pa man, marami na ang humuhula ng ganyan. Basta nawala na sa poder ang kuya niyang pulitiko, tiyak kasabay noong huhulas na rin ang kanyang career. Nakapasok kasi si Kris sa showbusiness kasabay ng pagpasok din ng nanay niya sa Malaca?ng, at noon todo suporta sa kanya si Manoling Morato na siyang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kaya mo ba iyon? Sinuportahan din siya ng mga Lopez, na kaibigan ng pamilya niya, at tandaan ninyo isa sa mga unang ginawa ni Cory Aquino noong maging presidente siya ay pabuksan ang ABS-CBN, gamit ang frequency ng noon ay ipinasara naman niyang Banahaw Broadcasting Corporation. Pero kahit na sa ABS-CBN, natapos din ang pagrereyna niya.

Si Kris na rin ang sumagot sa tanong na iyan, nang siya mismo ang nagsabi na nag-unfollow siya sa mga kaibigan niya sa social media at sinabi sa kanyang Instagram account na: its unhealthy to be indentified with us now.

Korean  invasion lumalala

Nakakatakot ang tinatawag nilang “Korean invasion” ngayon sa Pilipinas. Hindi lamang nakakapasok sa ating bansa ang kanilang mga K drama na sumisikat sa telebisyon at nakakadadag sa problema ng kawalan ng trabaho ng mga taga-industriya. Ngayon ang mga artista nilang lalaki ay kinukuha na natin, pinalalabas na sikat sa Korea kahit na hindi, tapos iginagawa na rin ng teleserye at pelikula sa ating bansa. Nawawalan ng trabaho ang mga artista nating lalaki.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi totoong may shortage tayo ng artista, may surplus pa nga. At kahit na anong negosyo, hindi ka dapat “ma-import” kung walang shortage. Pero sinasabi nga nila “iba ang show business”.

Nangyayari na iyan sa ating fashion industry, na ngayon ay halos dominado na ng Brazilians na walang trabaho sa kanilang bansa pero naging stars dito. Kawawa rin ang mga Pilipinong nakikipag-agawan sa kanila sa trabaho. Bukod sa nababarat na, minsan may napapasukan pang “kompromiso”.

Nakakatakot na mangyari rin iyan sa telebisyon at pelikula sa pagpasok ng mga Koreano.

Telebisyon tinatalo na ng pelikula?!

Noong isang araw, halos maghapon naming narinig ang mga kuwentuhan sa simbahan. Pinag-uusapan nila ang isang teleserye, na alam nila ang kuwento at gu춎agawa sila ng sarili nilang ispekulasyon kung ano ang mangyayaring kasunod. Baka magsauli na ang isip ni Loleng, sabi pa nila.

Iyon ang dahilan kung bakit tinatalo ng TV ang pelikula.

Iyong mga pelikula kasi natin ngayon, hindi maganda ang mga kuwento, ang mga director ay hindi marunong magkuwento.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: